BARANGAY GINEBRA PANGUNGUNAHAN NINA THOMPSON, PRINGLE AT AGUILAR

on the spot- pilipino mirror

MAY tatlong bagong players ang Barangay Ginebra na maghahari sa team. Kung dati-rati ang nangunguna sa Gin Kings ay sina Mark ‘Spark‘ Caguiao at Jay Helterbrand, ngayon ay nariyan sina Scottie Thompson, Stanley Pringle, at Japeth Aguilar. Ang tatlo ang  aasahan ni coach Tim Cone upang pangunahan ang crowd favorite. Siyempre ay hindi naman mananalo ang team kung silang tatlo lang, katulong pa rin nila ang kanilang teammates, tulad nina  Tinyente L. A Tenorio, Aljon Mariano, Arthur Dela Cruz, ang rookie na si Jerick Balanza at ilan pang puwedeng gamitin ni Cone.

Asam ng Ginebra na masungkit ang All-Filipino crown. Ito na lamang kasi ang wala pa silang korona. Lahat ng conference ay nakapag-champion na sila. Good luck!

o0o

Congratulations sa  dating player ng  Arellano University na pinapirma na ng isang taong kontrata ng Ginebra. Tsika ng On the Spot  ay binuy out ang kontrata ni Salado sa MPBL  upang makuha siya ng Gin Kings. Ito ang dahilan kung bakit hindi makalaro si Kent sa Ginebra dahil nga sa problema niya sa Manila Star sa MPBL. Ang malaking katanungan ngayon ay kung paglalaruin siya sa PBA bubble na magsisimula na sa October 11. Ang 12 teams  ay nasa Clark na  para paghandaan ang game.

o0o

Isinama na  rin ng Phoenix Super LPG Fuelmasters  si Calvin Abueva sa PBA bubble para anytime na bigyan ito ng ‘go signal’ ng PBA na maglaro ay madali  na lang itong hugutin. Tutal ay isinama na rin naman siya sa line up. Ang fans ni ’D Beast ay nag-react nang ianunsiyo na hindi ito kasama sa bubble. Sabi nga ng mga supporter ni Calvin ay pinaasa lang ang kanilang idol. Ngayon ay nasa Clark si Abueva kasama ng Phoenix team, makapaglaro kaya siya?

o0o

Pagkatapos ng PBA bubble at magkaroon na ng vaccine laban sa COVID-19  ay posibleng pagbigyan  ni Sonny Thoss ang Alaska Aces na maglaro ulit ng isang conference. Malamang ay natakot si Thoss na sumama sa bubble kaya bigla itong nagretiro.. Iniisip lang  niya  ang kanyang kalusugan at ang kanyang pamilya. Kaya siguro minabuti na lamang niyang huwag nang maglaro ngayon  kaysa maapektuhan ang kalusugan ng kanyang pamilya. Huwag tayong magtaka na sa next conference ay bumalik sa Aces si Thoss.

Comments are closed.