BARANGAY OFFICIALS SA QC UMALMA SA STL OPERATIONS NA IPINILIT NG QCPD DIRECTOR?

PBGen Antonio Yarra

NAGPAHAYAG ng pangamba ang mga pamunuan ng barangay sa Quezon City matapos ang ginanap na pagpupulong ng mga Small Town Lottery (STL) Operator sa Camp Karingal sa lungsod noong Martes, Hulyo 21 ng hapon.

Ayon sa inisyal na impormasyon, dinaluhan ng mga STL operator ang pagpupulong na idinaos umano sa tanggapan ni Quezon City Police District Director PBGen Antonio C. Yarra.

Ibinunyag pa ng grupo na nadagdagan ang kanilang alalahanin ng malaman nila na walang naging partisipasyon o kinatawan sa pagpupulong ang tanggapan ni QC Mayor Joy Belmonte.

Kuwestiyonable umano ang impormasyon ng pagpapasok ng STL sa lungsod nang walang ugnayan sa tanggapan ng kanilang mayor na alam naman ng lahat na tumututol dito.

Idinagdag pa ng mga ito na sa kasalukuyan ay may umiiral na gambling committee sa lungsod kaya sa teknikalidad ay iligal umano ang operasyon ng STL.

Direktang inihalimbawa ng mga opisyal ang ipinatawag kamakailan ng Business Permits and Licensing Department (BPLD) na Lucent Gaming and Entertainment STL na mula umano noong Hulyo 15 ay nag-ooperate na ng tatlong beses sa loob ng isang araw batay na rin sa kanilang Facebook Account, subalit ayon naman sa operator ay dry run lang.

Maituturing umanong binalewala ng mga STL operator ang gambling committee sa lungsod sa pagdaraos ng tuloy-tuloy na pagbola, gayundin ni Yarra na hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin umano ito inaaksiyunan.

Ayon sa mga nababahalang opisyal, isa umanong retiradong pulis ang nangangasiwa ng pagpupulong sa mga STL operator na kinilala sa pangalang LtCol R. Magdaluyo.

Batay sa impormasyon, dating kasamahang pulis umano ni Yarra si Magdaluyo noong ito ay nakatalaga pa sa kapulisan sa lungsod ng Maynila.

Bukod dito, lumutang din na kabilang sa mga nagtutulak sa STL ang kamag-anak umano ng dating mayor sa lungsod na kinilalang si Dex Bautista.

Sinikap na makuha ang panig ni QCPD DD Yarra kaugnay sa ulat subalit nabigo ang mga miyembro ng media sapagkat sa gate pa lamang ng kampo ay hindi na sila nakapasok dahil wala umanong appointment o schedule sa kanyang tanggapan.

7 thoughts on “BARANGAY OFFICIALS SA QC UMALMA SA STL OPERATIONS NA IPINILIT NG QCPD DIRECTOR?”

  1. 640083 361932Hi there, just became aware of your weblog through Google, and found that its truly informative. Ill be grateful in the event you continue this in future. Lots of individuals will benefit from your writing. Cheers! 215358

Comments are closed.