BARANGAY SA LA CARLOTA CITY SINALAKAY NG COCOLISAP

NEGROS OCCIDENTAL – INIULAT ng Philippine Coconut Authority (PCA) na sinalanta ng cocolisap o coconut scale insect ang isang barangay sa La Carlota City sa lalawigang ito.

Ayon kay Mayor Rex Jalandoon, nagsasagawa na ng mga pamamaraan para makontrol ang pagbiyahe ng mga niyog dahil sa kaso ng cocolisap sa Barangay San Miguel.

Nagpatupad din ng quarantine checkpoints sa naturang barangay ang mga tauhan ng Philippine Coconut Authority (PCA) simula sa susunod na Linggo para mapigilan ang pagkalat ng mga insekto.

Iniulat na dumami na ang mga apektadong puno ng niyog sa Barangay San Miguel.

Sinabi ng PCA na banta sa coconut industry ang cocolisap na may scientific name na Aspidiotus Rigidus Reyne.

Nagdudulot ang cocolisap ng paninilaw at pagkalagas ng dahoon at kalaunan ay nagreresulta sa pagkamatay ng puno ng niyog.

Kumakalat ang cocolisap sa pamamagitan ng hangin, infected na dahon ng niyog, o bunga, at maaari ring maapektuhan ang iba pang tanim gaya ng avocado, mang­ga, bayabas at papaya.

Nabatid na ang mga checkpoint ay ilalagay bilang pagtugon sa Exe­cutive Order 23-36 na inisyu ni Negros Occidental Gov. Eugenio Jose Lacson para makontrol at mapigilan ang pagkalat ng cocolisap at ang epekto nito.

Nakikipag-ugnayan na rin ang PCA sa Barangay San Miguel at La Carlota government.

EVELYN GARCIA