ISANG barangay sa Muntinlupa City ang nagsisikap na lutasin ang salot ng plastic waste sa pamamagitan ng pag-aalok ng bigas sa mga residente kapalit ng kanilang basura.
Puwedeng makakuha ang mga residente ng Barangay Bayanan ng isang kilo ng bigas, pangunahing pagkain ng mga Pinoy para sa dalawang kilo ng basurang plastic, na ibinibigay sa local government para sa tamang pagtatapon o recycling.
Ang Filipinas ay isa sa mga pangunahing bansa sa marine plastic polluters, ayon sa pag-aaral na may batas sa solid waste na hindi naipatutupad at walang regulasyon sa packaging manufacturing.
“I weighed in at 14 kilos of residuals, so I got 7 kilos of rice grains. This is a big help for us to have one kilo of rice for the day,” sabi ni Veronica Dolorico, 49-anyos, na taga-suporta ng programa.
“I feel that our surroundings are really dirty. If only I could, I would pick up all the plastics along the road when I walk outside,” dagdag niya.
Ang isang kilo ng bigas na nagkakahalaga ng nasa P30 hanggang P40 pesos, ay mataas sa isang bansa na may fast-growing economy pero mataas naman ang rate ng urban at rural poverty.
Nasa ika-limang bahagi ng populasyon ng 107 milyong tao ay nabubuhay sa mababang poverty line, na may buwanang konsumo ng mababa sa $241 bawat tao o nasa P12,000.
Nakakolekta ang Bayanan ng mahigit na 213 kgs ng sachets, bottles at plastic bags noong Agosto, pahayag ng kapitan ng barangay na si Andor San Pedro, dagdag na ang food-for-trash swap ay nagtuturo sa mga tao kung paano ang tamang pagtatapon ng kanilang basura.