BARANGAY SA SULTAN KUDARAT NAGING GHOST TOWN

SULTAN KUDARAT

SA pangambang ma­damay sa galit ng mga rebelde na nagbantang kanilang lulusubin ang Barangay Poblacion, Lambayong, Sultan Kudarat, nagsilikas ang mga tao roon.

Una nang nagbanta ang mga rebelde na kanilang susunugin ang isang police station.

Sinabi ni Arnel Palada na masyadong matumal ang benta ng mga negosyante dahil kakaunti ang mga bumibiyahe o pumupunta sa kanilang lugar.

Dahil dito, ipinag-utos ni Sultan Kudarat-Philippine National Police (PNP)-Provincial Director, Sr. Supt. Reynaldo Celestino kay Chief Insp. Julius Malcontento, hepe ng Lambayong-PNP, ang pagpapatupad ng full alert status at paghihigpit ng seguridad upang matiyak ang kaligtasan ng mga residente.

Kapansin-pansin din ang mga armored vehicle ng militar bilang augmentation forces.

Kinumpirma naman ng pamunuan ng 22nd Mechanized Company na may natatanggap na mga banta ang bayan ng Lambayong, at patuloy nilang bineberipika ang identity ng dalawa umanong komander na responsable sa planong pananalakay. MHILLA IGNACIO

Comments are closed.