HINILING ni House Committee on Dangerous Drugs Chairman Robert Ace Barbers na papirmahin sa isang kasun-duan ang mga bagong halal na barangay captain at mga kagawad para gawing drug-free ang kanilang mga baran-gay.
Nakapaloob sa kasunduan na papipirmahin ang mga barangay captain at mga kagawad na sa loob ng isang taon simula sa pag-upo sa posisyon ay wawakasan nila ang iligal na droga sa kanilang mga nasasakupan.
Ayon kay Barbers, ang covenant na ito ay paraan na rin ng pagpapakita ng suporta sa kampanya ni Pangulong Duterte na tapusin ang iligal na droga sa bansa.
Aniya, nagsisimula sa grassroots level ang paglaban sa iligal na droga kaya malaki ang papel ng mga barangay official para himukin ang kanilang mga constituent na makiisa sa anti-drug campaign.
Dagdag pa ni Barbers, wala na dapat puwang ang iligal na droga at hindi na ito dapat payagan pa na makalusot ng mga bagong halal na opisyal ng barangay. CONDE BATAC
Comments are closed.