BARAPTASAN 2024 GRAND FINALS, GAGANAPIN SA APRIL 6

(Pagpapatuloy…)
Ang mga nais sumali sa KANTO KULTURA: BARAPTASAN 2024 ay kinakailangang bumuo ng grupo na may tatlong miyembro—ang dalawa ay magbabalagtasan at ang isa naman ay magiging tagapamagitan nila. Pagkatapos, kailangan nilang mag-sumite ng video ng kanilang pagtatanghal habang nagbabalagtasan tungkol sa isang paksa na pinili ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas (CCP), ang organizer ng patimpalak. Kinakailangan ding lagyan ng rap ang kanilang pag-aargumento.

Nirebyu na ng mga hurado ang video ng mga kalahok at pumili na sila ng sampung finalist na magtutuos sa grand finals na naka-iskedyul sa ika-6 ng Abril 2024 sa Rizal Park Open Air Auditorium sa ganap na alas-3 n.h.

Imbitado ang publiko na matunghayan ang showdown ng mga sumusunod na mga grupong kalahok sa Baraptasan 2024: Rapper sa Pinas (Bocaue, Bulacan), Harayasista Group (Labo, Camarines Norte), City of Koronadal (Koronadal City, South Cotabato), Ang Mga Supling ni Angela (Tabaco City, Albay), Waraptasan (Tacloban City, Leyte), Lakbay Iral (Dasmariñas City, Cavite), El Setecientos (City of Santa Rosa, Laguna), TANGLAW (Santa Cruz, Ilocos Sur), Barapbida Normalista (Tacloban City, Leyte), at DMD (Makati City, NCR).

Malalaking papremyo ang naghihintay para sa mga magwawagi. Ang first prize winner ay tatanggap ng PHP 300,000 cash, PHP 200,000 naman ang para sa second placer, at PHP 100,000 ang para sa third prize winner. Lahat ng finalist ay tatanggap ng tig-PHP 50,000 bawat isa. Para sa mga update tungkol sa event na ito, bisitahin lamang ang Facebook page ng CCP at CCP Kanto Kultura.