BARBARA PEREZ, BEAUTY TO RECON

Napakaganda talaga ni Barbara Perez.

Isinilang siya noong January 4, 1938, at isa siyang magaling na Filipina movies and television actress. Tinagurian din siyang “Audrey Hepburn of the Philippines” dahil sa taglay niyang ganda — bawal ang pangit noong panahon nila, at hindi pa uso ng retoke.

Hindi lang siya maganda, sexy pa! Doe eyes, pixie face, swan-like neck at 19-inch waistline — matuk mo yon?

Minsan siyang lumabas sa isang Hollywood movie noong 1962 sa pelikulang No Man Is an Island, kung saan si Jeffrey Hunter ang bida.

Mas nakilala siya noong late 70s hanggang 80s kung saan nagpakita siya ng thespic talents bilang kontrabida.

Noong 2002 hanggang 2004, naging bahagi siya ng GMA Primetime sa sikat na telenovala na “Ang Iibigin ay Ikaw” at “Ang Iibigin ay Ikaw Pa Rin.” Ginampanan niya ang role ni Felisa.

Barbara Muñoz Perez III ang tunay niyang pa­ngalan, na kinuha sa kanyang lola — ang original na Barbara; sa kanyang ina, Barbara II; at siya na nga. Siya kasi ang panganay sa siyam na magkakapatid. Uso kasi ang maraming anak noong panahon nila. Lola ko nga, 16 sila magkakapatid.

Taga-Urdaneta, Pa­ngasinan ang kanyang amang si Antonio Perez at Manila naman ang kanyang inang si Barbara Munoz.

Spanish engineer ang kanyang lolo, na isa mga gumawa ng Manila Hotel.

Third year na ng journalism sa University of Santo Tomas si Barbara nang pumasok siya sa showbiz.

Ikinasal siya sa isa pang veteran dramatic actor na si Robert Arevalo, at nagkaroon sila ng tatlong anak — sina Anna, Georgina, at Christian.

Kaye VN Martin