NAGKAHIWALAY may at parehong naka-move on na ang napakatagal na magkarelasyong sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, hindi apektado ang itinayo nilang negosyo, ang Barbero Blues na matatagpuan sa SM North EDSA The Block, isang barber shop na pwede sa babae at lalaki.
Matatag ang kanilang negosyo, at patuloy na lumalago.
Para sa kaalaman ninyo, hindi porke barber shop ay exclusive for men only. Welcome din dito ang mga babae na magpagupit at magpakulay.
Ito ang unang business venture na magkasosyo ng dating magkasintahan. Sila ang co-founders of Barbero Blues, isang retro-themed barbershop. Binuksan ito sa SM North Edsa The Block, na incidentally, at kasabay binuksan ng salon business ni Kathryn na Kathnails.
Vintage-inspired ang interiors ng Barbero Blues at may mga mirror selfies ng Kathniel couple sa mga swivel chairs.Malaki ang naging puhunan nila dito, kaya siguro hindi nila basta-basta maisara.
Baka hindi pa nababawi ang capital.
Maganda rin ang uniform ng mga barber, na black buttondowns and ties sa na may mustard apron sa ibabaw at may tan leather straps na match sa kanilang beltbags.
Kakaiba rin ang kanilang logo, na halatang Daniel touch talaga — pompadoured cartoon na may pirma ng actor, naka-sunnies and jacket combo.
Kahit kasama mo ang syota mo, okay lang. pwede syang magpagupit din at magpakulay ng duhok, at kung kulang pa, malapit lang ang Kathnail para magpa-hand & foot spa. NLVN