NAGHIHIMAS ngayon ng rehas ang isang lalaki na itinurong nagnakaw ng motorsiklo sa Quirino Highway, Barangay Nova Proper, Novaliches.
Sa ulat na nakarating sa PILIPINO Mirror, nakilala ang suspek na naresto na si alyas Bryan, 30-anyos at isang barbero.
Nalaman ang pagkakakilanlan ng suspek ng tingnan ng mga awtoridad ang closed circuit television (CCTV).
Nagkasa ng follow-up operation ang Novaliches Police laban sa suspek dahilan para mahuli ito.
Ayon naman sa biktima na isang estudyante, naiwan niya ang susi ng motorsiklo ng iparada niya ito sa harap ng isang uka-ukay store.
Hawak na ng Novaliches Police ang suspek at nahaharap ito sa paglabag sa Republic Act of 10883 o Anti-Carnapping Law. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.