Chinese na nakakabili ng ekta ektaryang lupain sa Pilipinas gamit ang mga pekeng dokumento matapos masamsam ng mga awtoridad ang mga pinapalaganap na droga sa Pampanga at Zambales na mga pagmamay ari ng mga kompanya nito.
Nagbabala si House Committee on Dangerous Drugs Chairman ni Surigao del Norte 2nd District Representative Robert Ace Barbers na isa na umanong maituturing na banta sa seguridad ng bansa ang paglaganap ng illegal na substance na methamphetamine hydrochloride, o “shabu”, na mga nasamsam kamakailan sa Pampanga at Subic, Zambales na natagpuan sa mga kompanya na pagmamay ari ng mga Chinese nationals na gumagamit ng mga pekeng dokumento at nakakabili ng mga ekta ektaryang lupain sa Pilipinas.
Ito ang kanyang naging pahayag sa pagpapatuloy ng imbestigasyon sa House of Representatives ng naturang committee bunga ng House Resolution (HR) 1346 na inihain ni Senior Deputy Speaker at Pampanga 3rd District Representative Aurelio “Dong” Gonzales Jr. at House Resolution (HR) 1346 ni Barbers. Ito ay dahil umano sa naiulat na pagkumpiska ng shabu na nagkakahalaga ng P3.6 billion at P1.3 billion sa Mexico at Mabalacat Pampanga kamakailan.
Kabilang na rin sa imbestigasyon ang P3.8 bilyong halaga ng shabu shipment na nasabat umano ng mga awtoridad sa Subic Freeport, na nakasaad sa House Resolution 1351 ni Zambales, 1st District Representative Jefferson Khonghun.
“In the last hearing, the committee agreed to invite several personalities to shed light on the issue at hand.From the beginning, we’ve been inviting several personalities whom we suspect are involved in the smuggling of illegal drugs that was discovered in Subic and the other one in Mabalacat, Mexico, Pampanga. So we checked the personalities…we’ve been following up with several government agencies to provide us information as to several details of personalities,” sabi ni Barbers.Ang mga nabanggit ay puro may Chinese na pangalan.
Lahat ng naimbitahan ay hindi nakarating na ang dahilan ay tungkol sa mga problema sa kalusugan.
Nag isyu ang panel ng show cause order sa inimbitahang guest na si Architect Alex Tumang dahil dalawang beses na umanong hindi sumipot sa committee hearing at pinagdudahan ng mga mambabatas ang ginawa nitong dahilan na may sakit bilang dahilan ng hindi pagdalo.
Samantala, isang Roy Gomez ang cited in contempt dahil hindi itinuring ng committee na valid ang rason nito sa hindi pagdalo sa hearing.
Kinilala rin ng panel ang mga pagkakakilanlan sa incorporators ng Empire 999 Realty Corporation, kung saan ang ilan sa mga iniimbestigahang shabu ay natagpuan.
Ayon kay Atty. Elizer Ambatali ng Philippine Statistics Authority (PSA), Filipino ang isang nagngangalang Willie Ong, na isa sa incorporators ng 999 Realty.
Ayon naman kay Atty. Vicente Uncad ng Bureau of Immigration, ang kanilang ahensya ay mayroon ding record na kapareho ng pangalan subalit ito ay isang Chinese citizen.
Inaalam pa rin ng panel ang citizenship ng incorporators Yatai International at OMNI Corporation, kung saan ay natagpuan din sa lugar na kanilang pagmamay ari ang iba pa umanong nasamsam na shabu.
Ipinakita naman ni Abang Lingkod Party-list Representative Joseph Stephen Paduano sa naturang pagdinig ang matrix na nagpapakita ng kaugnayan sa isa’t isa ng mga kompanyang Empire 999 Realty Corporation, Yatai Industrial, Yatai International, OMNI at Pharmally na sangkot sa naturang imbestigasyon sa illegal na droga.
“Kung tatahi-tahiin natin, all the personalities involved dito sa usapin tungkol sa Empire 999, Yatai incorporation, warehouse where the shabu was deposited, are all personalities with Chinese-sounding names,” ang sabi ni Barbers.Iginiit ni Barbers na ang pagkakasangkot ng mga Chinese nationals sa pagpapakalat ng shabu sa bansa ay naglalagay sa peligro ng seguridad ng bansa at itinuturing niyang banta sa national security ng Pilipinas.
“Gaya ng sinabi ni Congressman Paduano, hindi lang drugs ang usapin dito. National security na ito,” ang babala ni Barbers.
“It seems na may ano e.First kung tatahi tahini natin ang kwento, si Mr.Willie Ong allegedly was behind the importation of the drugs that was discovered in a warehouse doon sa Mexico, Pampanga.The warehouse is owned by Empire 999, where Mr.Willie Ong is an incorporator and I think CEO siya.Now, tracing where this Willie Ong is, we’ve issued several invitations to attend in this hearing.But he has not honored any of these invitations that we’ve issued.We came to a point where we issued already a subpoena.Not even the PNP and NBI were able to track down this Mr.Willie Ong.Now there is a big question mark on his citizernship,”sabi ni Barbers.
“This is more than just drugs.Kasi may national security concern na may nakikita kami dito sa Committee.The issue is Chinese citizens, coming to the Philippines,getting fake and spurious documents.Buying properties,and thousands of hectares of lands in the Philippines, for whatever reason that is.Medyo may concern tayo dyan.Sa kainitan ng issue natin sa West Philippine Sea.Baka sakaling konektado ito,”ang sabi ni Barbers.
Hiniling ni Paduano at Barbers ang mga resource persons mula PSA, BI, the Department of Foreign Affairs, Securities and Exchange Commission, Anti-Money Laundering Council, at Bureau of Internal Revenue ay iba pang ahensya ng pamahalaan na isumite sa mga susunod na pagdinig ang mga dokumento ng mga naturang personalidad na hininilang mga Chinese at alamin ang kanilang business interest sa bansa.
Ma. Luisa Macabuhay- Garcia