BALIK-OPERASYON na ang barbershops, salons at gyms sa mga lugar na nasa ilalim ng modified general community quarantine.
Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, ang nasabing mga sektor na nasa ilalim ng ‘category 4’ o restricted industries dahil sa nature ng close contact ng mga customer ay papayagan nang muling magbukas sa maraming lugar sa bansa na itinuturing ngayong ‘low risk’ para sa COVID-19 infections.
“Barbershops, gyms and sports facilities, and personal care services will be allowed to open in areas under modified GCQ. Restaurants may also be allowed to accept dine-in customers, but all should be at 50 percent capacity to maintain social distancing,” wika ni Lopez.
“Under sa GCQ, not allowed but in the next level, the modified GCQ – it’s part of liberalizing and opening the economy rin – dito maa-allow na sila. All areas under modified (GCQ) can start to operate itong mga businesses na ito at 50 percent operating capacity,” sabi pa ni Lopez sa The Source ng CNN Philippines.
“‘Yung mga place of worship, under modified GCQ, they are allowed at I think 50 percent of capacity also. ‘Yung pinag-uusapan ngayon is referring to a GCQ situation. In other words, whether we allow more people for religious services under GCQ,” dagdag pa ng kalihim.
Ani Lopez, kinokonsidera ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ang panukala ng mga religious leader na muling buksan ang mga simbahan, mosque, at iba pang prayer halls maging sa Metro Manila at iba pang GCQ areas kasunod ng kanilang pagpupulong noong Martes ng gabi.
Comments are closed.