ONGOING ngayon ang taping ng bagong teleseryeng ginagawa ni Barbie Forteza sa GMA7 after ng successful na “Inday Will Always Love You”. At karamihan sa mga eksena ng naturang teleserye ay sa Bacolod kinunan.
Para kay Barbie, bagong putahe naman ang “Kara Mia”, after Cebu City, sa Bacolod naman ang kanyang pamamalagian. Malaking challenge para kay Barbie ang umarte na kausap ang sarili at may nakakabit na mukha sa likuran. Noong una raw na ibinigay ito ng Kapuso Network kay Barbie ay nag-alinlangan siya kung panonoorin ba ng mga Pinoy ang ganitong uri ng soap, first time sa television, kambal na iisa ang katawan pero magkaiba ang mukha sa ulo, sa harap at likod.
May nakapagsabi pa rin kay Barbie na kinopya lang daw ang karakter sa isang movie ng “Harry Potter”. Pero ayon naman sa writer ng “Kara Mia”, base sa tunay na buhay ang karakter na ginagampanan nina Barbie at Mika dela Cruz, ay totoong tao at nabuhay ang naturang kambal sa bansang India, mayroon pa rin unconfirmed case na ganito na isinilang sa Great Britain.
Samantala, teaser pa lang ang napanonood sa “Kara Mia” ay marami na agad itong memes sa internet. And take note, hindi lang basta ginaya, kundi nagte-trending pa kada meme ng “Kara Mia”.
Ani ni Barbie, mas lalo tuloy naging confident siya sa bagong proyekto dahilan sa hindi pa man ito umeere ay marami nang gumagaya. Dagdag na say pa ng young actress na natutuwa siya na maraming naimpluwensiyahan ng kanilang bagong soap kahit hindi pa ito napapalabas.
SUPER TEKLA GUSTONG MABUO MULI ANG KANYANG PAMILYA
ABALANG-abala sa kanyang mga showbiz commitments ang komedyanteng si Super Tekla, lalo na ngayong pagpasok ng taon dahilan sa pang telebisyon na ang dating online show nina Super Tekla at Boobay na “The Boobay And Tekla Show” na mapanonood tuwing Linggo ng gabi halos kapanabayan ng “Gandang Gabi Vice” ni Vice Ganda sa ABS-CBN.
Aminado naman si Super Tekla na talagang pressure sila ni Boobay dahil sa bigating kapanabayan ng kanilang show pero mas lalo raw silang ganadong mag-work dahilan sa kailangang pagandahin pa nila ng husto ang kanilang show para makipagsabayan sa katapat na show.
Pagdating naman sa personal na buhay, say ni Super Tekla na dahilan sa kanyang lumalaking anak ay gusto na ni Super Tekla na muling magkabalikan sila ng asawa. Gagawin daw niya ang lahat para magkabalikan sila ng ina ng kanyang anak. Na-touch daw ang komedyante ng dalawin siya ng kanyang anak sa isang show na ikinabigla raw niya ng sobra.
Nais ni Super Tekla na bigyan muli ang anak ng isang buong pamilya. Ayaw raw nitong isipin ng anak na bakit may tatay siya pero walang nanay? Kahit pa sinasabi ni Super Tekla na hiwalay lang sila ng kanyang mommy.
Comments are closed.