ONE month nang tapos sa ere ang romantic-comedy series na “Inday Will Always Love You” pero humahataw pa rin ito. Ang rom-com na pinangunahan ni Barbie Forteza ay mapanonood naman sa China. Pumirma kasi ng exclusive distribution agreement ang GMA Worldwide at isang Chinese multi-media company, an FZ Entertainment noong Oktubre 16, sa isang trade show na ginanap sa Cannes, France. Ang magiging international title ng romcom ay “Happy Together,” magkakaroon ito ng sub-title in Chinese. Ang romcom ay partly shoot sa mga magagandang tourist spots sa Cebu City.
STUDIO 7 NAG-TRENDING SA TWITTER
KASISIMULA pa lamang ng GMA musical-variety show na “Studio 7,” pero umaapaw na ang pagmamahal ng mga manonood of all ages. Kahit kami ay na-impress sa mga ipinakita nila noong pilot episode last Sunday, October 14. Habang pinapanood ito ng mga netizen, nag-trending ito number one sa Twitter. At nang lumabas ang rating nito last Monday, October 15, panalo rin sila sa rating, tinalo ang dalawang shows na katapat nila sa ABS-CBN.
Tinutukan kasi ito ng mga Kapuso viewer dahil pinagsama-sama ang mga brightest star ng GMA Network, tulad nina Christian Bautista, Mark Bau-tista. Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, Mikee Quintos, Kate Valdez, Kyline Alcantara, new Kapuso stars ang Legaspi Twins na sina Mavy at Cassy. Kasama na rin nila ang mga finalist ng “The Clash” sina Golden Canedo, Jong Madaliday, Mirriam Manalo, Josh Adornado, at Garreth Bolden. Naging special guests nila ang love team na sina Miguel Tanfelix at Bianca Umali.
CELEBS TULOY ANG RIGODON SA NETWORKS, MANAGEMENT AGENCIES
NAKATUTUWA ang mga lipatan ng mga artista from one network to another, from one talent agency to another. Ang latest na lumipat ay ang singer-actor na si Janno Gibbs. Umalis na siya sa dating manager niyang si Perry Lansigan ng PPL Entertainment at bumalik siya sa dati niyang agency, ang Viva Artist Agency.
No problem daw naman sa PPL Entertainment dahil one month nang tapos ang manager-artist contract nila at maayos ang pagpapaalam ni Janno sa kanila.
Si Janno ay original Viva Artist talent at lahat ng mga box-office movies niyang ginawa noon ay mula sa Viva Films, at kahit ang mga first hit re-cording niya ay sa Viva Records. Then, lumipat siya sa GMA Network at doon nabuo ang triumvirate nila nina Michael V at Ogie Alcasid. Nag-recording naman siya sa GMA Records at marami sa mga show noon sa GMA, siya ang kumakanta ng mga theme song nila.
Nasa TV 5 na si Janno, may contract pa rin siya sa GMA Records, pero ngayon, tapos na rin ang contract niya sa kanila. Lumipat naman siya sa Star Music Ph para sa recording niya ng album.
Pumirma muli ng management contract si Janno sa Viva Artist Agency last Thursday, October 18, sa harap ni Viva Boss Vic del Rosario and Ve-ronique del Rosario-Corpus.
Sino naman kaya ang susunod na artistang lilipat?
Comments are closed.