HABANG nagtatagal ang Anak ni Waray vs. Anak ni Biday, lalong nagniningning ang husay sa pag-arte ni Barbie Forteza.
Marami rin ang nakapupunang lalong bumabagay sa kanya ang kanyang slim figure at nawala na ang kanyang baby fats.
As always, torn between her love for Cocoy (Migo Adecer) and her loyalty to her friend Caitlyn (Kate Valdez) si Ginalyn (Barbie Forteza).
Kung gaano ka-intense si Barbie in her delineation of the role in Anak ni Waray, kapuna-punang siya namang pagkamalamyang umarte at walang kabuhay-buhay ng lead actress nang kasabay nilang soap.
Kung sabagay, sinasabayan lang naman niya ang kalamyaan ng kanyang leading man. Hahahaha!
Kaya kung gaano ka-hyper si Barbie, siya namang pagkalamya-lamya ng mga characters roon sa kabila. Hahahahahaha!
Adios! Hahahaha!
Kaya rito na lang kayo kina Barbie at huwag nang maglipat pa! Natuklasan na nga pala ni Caitlyn ang secret affair nina Cocoy at Ginalyn, kaya pakaabangan ang mga interesanteng kaganapan!
VICE GANDA MAHIHIRAPANG MAKABALIK SA DATING PUWESTO
KUNG dati ay oozing with confidence ang retokadang bakla na si Vice Chakitah, these days, he is not half as secure.
Pa’no, four months nang nilalampaso ng Eat Bulaga ang It’s Showtime at walang magawa ang pagre-reformat ng nasabing show para sila’y makaalagwa.
Buti nga! Bwahahaha!
Kung dati ay sweet siya at ma-PR, nang sumikat siya at magkapangalan, he has become snobbish and cold towards the press, especially those who are close to him.
Classic nga ‘yung ginawa niyang pa-presscon last year na nag-text talaga siya nang walang patumangga at bored na bored habang nagpapa-raffle ng mga cheapy items. Hahahaha!
Loko! ‘di nilamon ng movie ni Aga Muhlach ang kanyang pelikula at hindi na nakaalagwa. Bwahahahaha!
Kung noon ay palagi siyang kasama sa mga awards sa box-office, ngayo’y ni wala siyang award na nakuha. Hahahaha!
‘Yan kasi ang napapala kapag masyado ng nagpi-feeling sikat at invincible. Also, kung dati’y most generous siya in sharing his enormous income, ngayon ay nakataas na ang kilay niya dahil feeling niya’y nagti-take advantage na raw ang working press na close lang naman sa kanya.
Barya-barya lang sa kanyang kita ang kanyang isi-share pero nagmamataray na siya at feeling niya’y iniisahan siya ng reporters.
Pa’no, sikat na at feeling niya’y hindi na niya kailangan ang press.
Talaga? Let’s wait and see. Let’s wait and see raw talaga, o! Hahahaha!
Anyway, today, he is not as confident as before.
Sabi ko nga, more than four months nang pinakakain ng alikabok ng Eat Bulaga ang It’s Showtime at natigbak na ang kanyang show every Sunday at kinabog ng show nina Tekla at Boobay.
Ito namang bagong show niya, I have the feeling na hindi rin magtatagal dahil run of the mill ang format at pinaglumaan na ng panahon. Pinaglumaan na raw ng panahon, o! Hahahahaha!
Well, ganyan talaga kapag masyado kang nagmalabis at nag-ilusyon. Dadapurakin ka ng bad karma!
Anyhow, if it’s any consolation, Vice Chakah is now super liquid and most opulent. Kaya lang, dapat ay matuto siyang magtipid dahil a few years from now, he would not be much sought after and in demand.
In short, wala nang career.
Babu! Hahahaha!
Follow me on Twitter at Pete Ampoloquio, Jr.
And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity. Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!
Comments are closed.