MALAKAS ang bulung-bulungang hiwalay na sina Barbie Imperial at Diego Loyzaga. Very observant talaga ang mga Marites dahil napansin nilang nasa ikatlong Linggo na tayo ng Enero 2022, wala pa ring post, litrato o sweet comments sina Barbie at Diego. Wala rin silang Christmas at New Year messages ang isa’t isa — kahit pa nga nasa magkaibang lugar sila nag-celebrate.
Nagkaroon ng espekulasyong hiwalayan dahil hindi sila magkasamang sumalubong sa Bagong Taon. Napansin pa ng mga netizens na puro tungkol sa mga lugar na pinuntahan ni Diego kasama ang mga pinsan niyang taga-New Jersey ang naka-post sa kanyang Instagram account. Meron sa Las Vegas, panonood ng laro ng Brooklyn Nets versus Milwaukee Bucks sa Barclay Center sa Brooklyn, pero wala talaga kahit Merry Christmas lang kay Barbie. Naka-turn off din ang comment section ng ilang IG posts ni Diego mula noong Bagong Taon.
Sa IG posts naman ni Barbie, ang huling post na magkasama sila ni Diego ay Disyembre 12, 2021 kung saan ipinagdiwang nila ang unang anibersaryo bilang mag-jowa. Sinalubong niya ang Bagong Taon na may bagong hairstyle. Wala rin siya ni isang komento si Diego sa nasabing bagong hairstyle. So, ano? Hiwalay na nga sina Barbie at Diego?
MARIAN RIVERA UNANG PARTNER NI JOHN LLOYD CRUZ BILANG KAPUSO
SUPER happy ang production staff ng Kapuso sitcom na Happy ToGetHer na pinagbibidahan ni John Lloyd Cruz. Kasi naman, nakakuha ito ng 13.9% rating ito nung January 9, 2022. Happy rin ang magaling na aktor sa resulta ng kanyang first project sa bakuran ng Kapuso network. Text ni Lloydie: “Inspiring. Para siyang bonus sa patuloy na pagsisikap ng grupo. Isang paalala ring lalo pang pag-igihan ang trabaho.”
Matunog ang balitang ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera ang una niyang makakasama sa isang drama series sa GMA-7 at hindi si Bea Alonzo. Pero depende pa rin ito sa asawa niyang si Dingdong Dantes. Sa ngayon kasi, si Dingdong muna ang nagtatrabaho. Katatapos lang niya ng AlterNate.
Si Marian pa rin ang itinuturing na Reyna ng Siyete kahit marami na ring artista ng Dos ang lumipat sa Kapuso kaya dapat lang na siya ang unang ipareha kay Lloydie.
Wala namang ilusyon ang wife ni Dingdong na angkinin ang nasabing titulo. Sa tagal na ng kanyang pamamayagpag ay kuntento na siya na isa siya sa hanay ng mga artistang naging masuwerte sa showbiz.
Happy si John Lloyd sa mainit na pagtanggap sa kanyang pagbabalik-TV sa gitna ng pandemya.
Maraming umaasang matuloy ang planong makagawa ng teleserye o mini-series katambal si Marian, o kung hindi man, ang pagbabalik-tambalan nila sa telebisyon ng favorite leading lady niyang si Bea Alonzo. Imagine, nakakuha ng mahigit sa 6M views ‘yung One True Pair The Movie nina Bea at John Lloyd na ini-upload noong Nobyembre 30, 2021 sa YouTube channel ng Jollibee Studios. Sobrang nasabik talaga ang mga tao sa tambalan ng dalawa.
Si Alden Richards muna ang makakatambal ni Bea sa pelikula at teleserye, bago nila gawin ang muling tambalan nina Bea at John Lloyd.
LOVI POE EXCITED DUMAAN SA FPJ AVENUE
Excited at happy ang sexy Kapamilya actress na si Lovi Poe tulad din ng naging reaksyon ng nakatatandang kapatid na si Senator Grace Poe, na finally ay may FPJ Avenue na.
Ang kalyeng nabanggit ay dating kilala bilang Roosevelt Avenue at ngayon nga ay ipinangalan na ‘yon sa kanyang ama, ang King of Philippine Movies na si Fernando Poe, Jr. na yumao noong December 14, 2004.
Kasalukuyang nasa Los Angeles, California pa si Lovi kasama ang inang si Rowena Moran, pero excited na raw ang dalaga na makadaan sa FPJ Avenue kung saan naroon din ang ancestral home ng mga Poe. Ani Lovi, pag-uwi niya ay daraan siya sa kahabaan ng FPJ Avenue. Malaking bagay para sa pamilya ni FPJ ang pagpapahalagang ito.
Uumpisahan na ang drama series nila ng Kapamilya Ultimate Heartthrob na si Piolo Pascual.