KINUMPIRMA ni Barbie Imperial na break na talaga sila ni Diego Loyzaga matapos ang isang taong relasyon. Ipinagdiwang nila ang kanilang first anniversary noon lamang December 12, 2021.
Pero hindi umano sila nag-away at may natutuhan siya sa panahon ng kanilang relasyon – ang “mahalin mo muna ang sarili mo bago ka magmahal ng iba.”
Halos pare-pareho umano ang karanasan niya sa mga naging boyfriend niya, na bigay siya ng bigay hanggang sa unti-unti na siyang nauubos.
“Love yourself para buo ka,” aniya. “Hindi talaga ako yung mabilis mag-give up na girlfriend, but if I feel like the other person is not growing with me, that’s the time I say goodbye” — KNMartin