Barbie Imperial kay Diego Loyzaga: “Beh, buti nga!”

NGAYONG redhead at gorgeous na si Barbie Imperial, gandangganda sa kanya ang kanyang mga kaibigan, at panay ang bati sa kanya ng mga ito.

Kahit si Diego ay nag-comment ng ganito: “Poison Ivy?”

Napansin naman ito ni Barbie at sumagot ng ganito: “@diegoloyzaga ako nga pala yung sina­yang mo HAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHA”

Na-excite naman ang mga tagahangan ng dalawa pero agad itong pinutol ni Barbie. Aniya, “Based on experience, wala naman akong binalikan ever na ex. Dun na lang tayo sa experience na parang hindi na. Kasi nung time na yun na magkasama kami, sana yun na yung time na okay lahat. Na dun, gagawin kung anuman ipu-prove ganito-ganyan. Parang you had your shot. I mean, Lord, please guide me. Sana wala na talaga!”

 

Regine Velasquez guilty for life na nasaktan nila ni Ogie Alcasid sina Leila at Sarah

Hindi niya kagustuan ngunit aminado si Regine Velasquez na naging “third party” siya sa mag-asawang Ogie Alcasid at Michelle Van Eimeren.

Hindi raw niya intensyong manakit ng kapwa, pero nahulog ang loob niya kay Ogie.

“Hindi mo naman gustong sadyain yung makasakit, di ba? May mga matitinong tao na hindi naman yun ang iniisip nila. It’s just that sometimes it happens,” aniya.

Pero wala raw siyang alam kung ano ang nangyari sa relasyon noon ni Ogie kay Michelle. Basta ang alam niya ay may dalawa nang anak sina Ogie at Michelle—sina Leila at Sarah – pero kung magulo o maayos ang relasyon nilang mag-asawa ay talagang hindi niya alam dahil hindi naman siya kasali doon.

Pero kahit ano pa ang nangyari, at kung maibabalik niya ang nakaraan, kahit mahal niya si Ogie ay mas gugustuhin niyang wala silang nasaktan.

“Yung walang dalawang bata na nag-suffer because we wanted to be together,” aniya. “I HAVE TO LIVE WITH THAT GUILT”

Kahit daw napatawad na siya nina Michelle at mga anak nito ay matagal bago niya napapatawad ang kanyang sarili. Iniisip raw niya, paano kung siya ang asawa at siya ang inagawan? Paano ang anak niya? Yet, hindi talaga niya pwedeng husgahan ang mga ang mga nagiging third party sa relasyon, dahil baka raw kasi pag-ibig talaga ang kanilang nararamdaman.

Ikinasal sina Ogie at Michelle noong 1996 at naghiwalay noong 2007. Nag-asawa uli si Michelle sa Australyanong si Mark Morrow noong 2009, at sumunod naman sina Ogie at Regine noong 2010.

Ngayon ay may anak na sila — si Nate, edad 10. At magkaibigan di ang pamilya ni Michelle at Ogie. Kahit ang mga anak nilang sina Leila at Sarah ay malapit kay Regine.

Maggie Wilson, Tim Connor together in Thailand: ‘Some things in life happen for a reason’

Nakitang magkasama sina Maggie Wilson at ang kanyang business partner na si Tim Connor sa Thailand matapos nilang sabihing walang namamagitan sa kanila.

Kahit pa nakipaghiwalay ang Binibining Pilipinas World 2007 titleholder sa asawang si Victor Consunji, pinanindigan ni Maggie na wala siyang relasyon kay Connor, pero si Connor, may tweet na nagsasabing “Some things in life happen for a reason.”

Hindi pa rin malinaw ang estado ng kanilang relasyon. Yung isa, tumatanggi, yung isa naman, umaamin.