BARIL NG PULIS HINDI BUBUSALAN

ISA na lang kasaysayan ang muzzle taping o pagbubusal ng mga service firearm ng pulis.

Ito ay dahil naniniwala ang liderato ng Philippine National Police (PNP) na responsable ang mga pulis kaya hindi na kailangan pang selyohan ang kanilang armas para salubungin ang Bagong Taon.

Ayon kay PNP Chief Gen. Dionardo Carlos, may disiplina naman ang kanyang mga tauhan at alam nilang mali ang magpaputok nang walang kuwenta.

Bukod pa rito ang madalas na paalala ng mga police commanders na umiwas sa mga iregularidad na gawain.

Sinegundahan naman ni PNP Spokesman Col. Roderick Alba na hindi na kailangan ang muzzle taping dahil hindi naman ito makapipigil sa nais magpaputok.

Magugunitang noon pang 2016 ay tinuldukan na ang muzzle taping sa PNP makaaang ipag-utos ng unang PNP chief ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Senator Ronald Bato Dela Rosa ito.

Taong 2016, sinabi ng dating Director for Operations na naging PNP Chiefdrin na si Ret. Gen. at ngayon ay Office of the President Usec. Camilo Cascolan na pinatigil na ang muzzle taping upang bigyan tiyansa ang mga pulis na ipakitang responsable sila.

Ang muzzle taping ay simbolo na paalala sa mga pulis na umiwas sa indiscriminate firing.
EUNICE CELARIO