BARISTAS’ QUEST SA DAVAO, BAGUIO AT CEBU

Baristas Quest

CALLING all Baristas and Coffee Enthusiasts in the Philippines!

Bukas na ang registration sa Barista’s Quest, isang campaign of competitions na binuo para sa barista at coffee enthusiasts upang maipakita ang kanilang talento sa coffee. Gagawin ang nasabing competition sa Davao, Baguio at Cebu ngayong darating na Hulyo.

Sa month-long campaign, naghanda ng tatlong klaseng kompetis­yon. Kung may kakayahan kang mag-identify ng unique coffee sa set ng cups, maaaring sumali sa Flavors + Profiles: Coffee Triangulation—isang cup tasting activity na gaganapin sa Frog Kaffe sa Davao City sa July 3.

Sa artists naman na kayang lumikha ng designs gamit ang milk, magkakaroon naman ang Baguio City ng Coffee + Art: Latte Art Throwdown at Halfroom Coffee sa July 10.

Samantala, sa mga indibiduwal namang kayang mag-extract ng rich coffee flavours into a cup, gaganapin naman ang Kettle + Cup: Coffee Brewing Challenge sa Tightrope Coffee sa Cebu City sa darating na July 25.

Pangungunahan ang Baristas’ Quest campaign ni Michael Harris Lim, President and CEO of Henry & Sons Trading and Manu-facturing Company, Inc., na isa ring 2019 Philippine National Barista Champion and the 2019 World Barista Championship Semi-Finalist.

“Over the years, our company is committed in championing the local coffee scene through programs that promote sustainability in our coffee industry—from the farmers down to our baristas—by alleviating their status, improving their skills, and promoting camaraderie,” ani Michael Harris Lim.

Libre ang pagpapatala. Sa mga interesado, maaaring mag-register sa bit.ly/BaristaQuest-Davao, bit.ly/BaristaQuest-Baguio, at bit.ly/BaristaQuest-Cebu.

Ang mananalo sa nasabing kompetisyon ay magkakaroon ng pagkakataong i-represent ang kanyang region sa pamamagitan ng competitor sponsorship package para sa National Coffee Championships, travel allowance at accommodation sa National Barista Conference na gagana­pin sa Manila sa dara­ting na Setyembre, at ang Comandante Grinder!

Ang nasabing event ay co-sponsored by the venue partners.

Sa iba pang detalye tungkol sa Barista Quest, bisitahin ang www.facebook.com/baristasquest/ or contact Tony Dy at 0917.153.1188.