ISANG cargo ship na may 25 tripulante ang iniulat na nasunog kahapon sa karagatan malapit sa Reed Bank, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG) noong Lunes.
Base sa inisyal na impormasyong nakalap ng PCG , ipinarating lamang sa kanila ang mensahe ng foreign counterpart hinggil sa nasusunog na car carrier.
Sinasabing nagmula ang cargo ship sa Singapore at patungo sanang Batangas nang maganap ang insidente.
Sangkot umano sa naganap na sunog sa karagatan ang barkong MV Diamond Highway, na isang car carrier at pag-aari ng kompanyang K Line.
Hindi kaagad nakapagbigay ng kumpletong detalye ang PCG dahil hanggang kahapon ay sinubukan nilang tawagan ang may-ari ng nasabing barko pero hindi ito ma-contact.
Nabatid na may 25 crews ang MV Diamond Highway na lumikas at nasagip ng bulk carrier Canupos Leader, na napadaan sa lugar habang patungong Thailand, pahayag ni PCG spokesperson Capt. Armand Balilo.
Patungo na rin sa lugar ang BRP Cabra ng PCG para magsagawa sa search and rescue operation. VERLIN RUIZ
Comments are closed.