BARKO NG CHINA COAST GUARD NAMATAAN SA SCARBOROUGH SHOAL

NAMATAAN ng Philippine Coast Guard (PCG)a ang isang barko ng China Coast Guard (CCG) na unti-unting nag-ma-maniobra patungong Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal.

Ayon sa PCG, nakita nila ang nasabing barko na may bow number na 3305 noong Marso 2 habang nagpaptrolya ang isa sa barko nila na BRP Malabrigo sa karagatang sakop ng bansa.

Anila, malinaw na paglabag ito sa 1972 International Regulations for Preventing Collisions at Sea (COLREGS).

Sinabi naman ni PCG Commandant Artemio Abu na ito na ang ikaapat na araw na nagkalapit ang barko ng sa PCG sa saksakyan ng Chinese Coast Guard sa Scarborough Shoal.