BARKO NG PHILIPPINE NAVY MAGLALAYAG PA-AUSTRALYA

BRP Alcaraz

PASAY CITY – BIBIYAHE  patungong Darwin, Australia ang isa sa barko ng Philippine Navy na BRP Ramon Alcaraz.

Ayon kay Philippine Navy Spokesperson Commander Jonathan Zata,  ang BRP Ramon Alacaraz at mga sakay nito ay makikiisa sa Multilateral Regional Maritime Exercise o ang tinatawag na KAKADU.

Bukas ay isasagawa ang send off ceremony sa 300 man contingent na sakay ng BRP Alcaraz sa Pier 13 South Harbor Manila.

Ang KAKADU ay gagawin mula August 31 hanggang September 25, 2018.

Layunin ng pagsasanay na ito na magpalitan ng ideya ang mga hukbong pandagat ng Filipinas, at ibang mga bansa kaugnay sa Multina­tional maritime activities.     EUNICE C.