BARKO NG TSINO SA WPS NANANATILI

NANANATILI sa West Philippine Sea ang barko ng China sa Julian Felipe Reef.

Bagaman matagal nang ipinaalam ito sa pamahalan ng China ay hindi pa rin nito tinatanggal ang kanilang mga barko.

Nagkaroon na rin ng petisyon ang Pilipinas dahil sa patuloy na presensya sa nasabing lugar.

Nitong Nobyembre 1 lamang ay iniulat ng US-funded site na Radio Fee Asia na marami pa rin ng mga Chinese vessels ang nakita malapit sa reef.

Ang Julian Felipe Reef kasi ay nasa exclusive economic zone ng bansa at bahagi ito ng Pagkakaisa banks sa West Philippine Sea.

Magugunitang noong Oktubre ay kinumpirma din ng mga nagpapatrolyang mga sundalo ng bansa na may namataan silang mga barko ng China sa lugar.

Umabot pa ito ng 151 hanggang nabawasan at naging 35 na lamang.

Base rin sa obserbasyon ng Washington based na Asia Maritime Transparency Initiative (AMTI) na tumaas ang bilang ng presensiya ng barko ng China sa West Philippine Sea sa nagdaang tatlong buwan.