BARKO SUMADSAD, 20 CHINESE SEAFARERS NAISALBA

EASTERN SAMAR- NAISALBA ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 20 Chinese seafaters makaraang sumadsad sa dalampasigan ng Guiuan,ang barko na kargado ng 55,000 metriko toneladang nickel ore..

Iniimbestigahan na ngayon ng PCG at Department of Environment and Natural Resources para tiyakin na walang mangyayaring oil spill gaya ng naganap sa Mindoro.

Sumadsad ang barko ng China na MV ZHE HAI 168 sa layong tinatayang aabot sa 2.7 nautical miles mula sa shoreline ng Barangay Sulanga.
tiniyak din ng mga Chinese crew na hindi nagkaroon ng damage at oil spill ang kanilang vessel matapos na sumadsad.

Nabatid na inutos nang ilipat ang karga ng M/V Zhe Hai 168 na kanilang hinakot mula Homonhon Island na dadalhin sa Caofeidian District sa China para maging magaan ang gagawing paghatak sa vessel. VERLIN RUIZ