BARKONG MAY MGA SAKAY NA CHINESE UMALIS NA NG LOBO, BATANGAS

MV Emerald chinese

UMALIS na sa karagatang sakop ng Lobo, Batangas ang Chinese-crewed vessel na MV Emerald, ayon sa Philippine Coast Guard kahapon.

Ito ay matapos na  kanselahin ng Philippine Ports Authority (PPA) ang anchorage permit ng barko kaya napilitan itong lumipat pansamantala sa Batangas Pier.

Kinumprma ni Capt. Armand Balilo, Philippine Coast Guard spokesperson,  ang flag of convenience o rehistro ng barko ay Si-erra Leone subalit ang homebase nito ay Malaysia habang ang mga tripulante naman ay mga Chinese at Indonesian.

“Maaaring tawagin na Chinese dredging vessel kung ‘yung contractor niya ay ‘yun talaga ‘yung operations,” ani Balilo na hindi naman kinumpirma ang nationality ng contractor.

Nabatid na na nasa  pagitan ng alas-6:00 at alas-7:00 kahapon ng umaga nang magsimulang maglayag paalis ang barko base sa utos ng PPA na dalhin ito sa international port sa Batangas City.

Ang hopper dredger ay may lulang Chinese crew at dumating sa bansa noong nakaraang linggo.

Naalarma ang mga residente sa lugar nang malamang gagamitin ang barko para magsagawa ng dredging activities sa Lobo Riv-er.

Mismong si Lobo Mayor Jurly Manalo ang nagdeklarang  walang permiso mula sa kanilang  tanggapan ang Seagate Engineer-ing and Buildsystems na kompanyang umarkila rito.

Nabulgar na  plano ng nasabing dredging ship na magsagawa ng quarrying o humakot  ng buhangin na dadalhin nila sa ibang bansa.

Bunsod nito, magde-deploy ng mga diver ang PCG sa Lobo  upang suriin kung naghukay ang M/V Emerald at kung may na-pinsalang natural resources.

“Para  mawala ‘yung mga pangamba namin at pangamba ng mga tao, minabuti naming magpa-dive tomorrow (Sabado) para ma-check talaga kung mayroon silang mga nasira. Kung may nasira, dapat papanagutin,” ani Balilo.   VERLIN RUIZ

Comments are closed.