BARKONG MAY SMUGGLED NA BIGAS, IINSPEKSIYUNIN NG BOC

SMUGGLED RICE

MASUSING  isasai­lalim sa inspeksiyon ng Bureau of Customs (BOC) ang cargo vessel na naglalaman ng limampung milyong pisong (P50 million) halaga ng umano’y smuggled na bigas sa probinsiya ng Sulu.

Matatandaang naharang ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang nasabing vessel na MV Hulk na natuklasang may kargang mga smuggled na bigas, kung saan aabot sa dawalawampu’t limang (25) kilo ang laman ng kada isang sako.

Pahayag sa Station Commander ng PCG – Zamboanga na si Lt. Cmdr. Noriel Ramos, namataan ang MV/Hulk habang nagsasagawa ng maritime patrol ang BRP Cape San Agustin sa isla ng Bulan sa naturang lalawigan.

Napag-alaman din umanong walang import permit o kahit na anong legal na dokumento ang mga dalang kargamento ng barko.

Dinala na ng mga awtoridad sa Bengo Wharf sa Zamboanga City ang MV/Hulk.

Pero napag-alamang  tumakas na ang mga opisyal at shipmaster ng barko lulan ng isang motorboat.

Comments are closed.