MASASABAK sa unang official mission ang pinakabago at pinakamalakas na barkong pandigma ng Philippine Navy sa inilunsad na AFP Joint Exercise “DAGIT-PA” o “Dagat-Langit-Lupa” wide exercises.
Layon nito na linangin ang interoperability operations ng Philippine Navy, Philippine Air Force at Philippine Army.
Gayundin, target nito na itaas ang antas ng mga nauna ng pagsasanay sa pamamagitan nang pagsanib ng AFP’s Special Operations Forces, Cyber Group at Reservists.
Aabot sa mahigit 1,500 na sundalo ang sasabak sa Dagit-Pa 2019 na gagawin sa Palawan, Zambalez at Nueva Ecjia.
Kabilang sa gagawing pagsasanay ay ang Air/Maritime Interdiction Operation sa Palawan; Amphibious Landing sa Zambales, Airfield Seizure and Military Operations in Urban Terrain sa Nueva Ecija at Combined Arms Live Fire Exercise sa Tarlac.
Ayon kay AFP-ETDC commander Commodore Adeluis Bordado, pakay ng nasabing pagsasanay na magkaroon ng mabilis na komunikasyon ang tatlong major services sa panahon ng emergency.
“Kanya-kanyang language para magkaintindihan in a joint ops, campaign, kailangan testing natin kung paano sila nag-uusap. Iba-ibang doctrine kasi sinusunod ng major services,” ani Bordado.
“Iba’t ibang gamit kung paano sila mag-usap-usap, paano sila mag conduct ng operation, ang tina-tawag natin na interoperability, ang objective is to successfully accomplish our given mission, mistula itong Baikatan exercise Pinoy style,” paliwanag pa ni Bordado. VERLIN RUIZ
Comments are closed.