Iginiit ni Senator Grace Poe na nakatakdang magpulong ang mga lider ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) kaugnay sa isinusulong ng Senado na pagpapaliban sa halalan sa rehiyon sa susunod na taon.
Ito ay kaugnay sa naging desisyon ng Korte Suprema na tanggalin sa BARMM ang lalawigan ng Sulu matapos na hindi kilalanin ng lalawigan ang Bangsamoro Organic Law (BOL).
Sa budget deliberation sa plenaryo ng Senado binusisi ni Senate Minority Leader Koko Pimentel kung ano ang posisyon ng BARMM leadership sa election postponement.
Tugon dito ng BARMM sa pamamagitan ni Senate Finance Committee Chair Grace Poe, magpupulong pa ang mga miyembro ng BARMM at sa tamang panahon ay magbibigay rin sila ng kanilang opinyon hinggil sa naturang usapin.
Sinabi pa ni Poe na ang posisyon ng MILF ay isa lamang sa maaaring ikonsidera sa deliberasyon ng mga BARMM leader.
LIZA SORIANO