BARMM MAY PINAKAKAUNTING BILANG NG SENIOR NA NAGPABAKUNA

NANATILI  ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa may pinakamababang bilang ng mga may edad o nakatatanda na nagpapabakuna kontra COVID-19.

Nasa 70.8 milyong indibidwal na sa bansa ang nababakunahan kontra COVID-19.

Ayon sa Department of Health, nasa 46 porsiyento lamang sa target population ang fully vaccinated sa BARMM.

Sinasabing marami sa mga nakatira sa BARMM ang nagdadalawang isip na magpabakuna.

Nangunguna naman ang Cagayan Valley sa Region 2 at Cordillera Administrative Region sa may pinakamaraming matatanda na nagpabakuna.