PARA kay Philippine National Police (PNP) Officer-In-Charge, Lt. Gen. Archie Francisco Gamboa, naging life indicator ang antas ng krimen.
Dahil aniya sa nabawasan ang kriminalidad, nangangahulugan na umangat naman ang pamumuhay ng Filipino.
Batay sa survey ng Social Weather Station (SWS) noong Setyembre 27 hanggang 30, 36% ng Filipinos ang umayos ang buhay sa loob ng isang taon o 12 buwan.
Ang 46% ng adults na tinanong ay umaasa naman na magiging quality rin ang kanilang pamumuhay sa susunod na taon habang 5% naman ang nangangamba na lalala ang sitwasyon ng kanilang buhay.
“This feeling of improved quality of life is fairly consistent with PNP data that showed improved crime situation over time,” ayon kay Gamboa.
Sinabi rin ni Gamboa na 4.89% ang ibinaba sa nationwide Crime Volume o nasa 6,000 ang nabawas sa iba’t ibang crime incidents sa ikatlong bahagi ng taon kumpara sa kaparehong panahon noong 2018.
“This data validates our assumption that people appreciate improved quality of life in a safer environment where there is less crime and less fear of crime,” dagdag pa si Gamboa.
Sinabi rin ni Gamboa na kabilang sa bumaba sa index crime ay ang carnapping na may 45.86% decline habang ang theft ay nasa 13.84%.
Kabilang din sa bumaba ang kaso ay crimes against person at crimes against property habang lumiit din ang kaso ng murder, homicide, physical injury, robbery. EUNICE C.
Comments are closed.