BARON GEISLER BINAWALAN NI COCO NA UMINOM SA SET 

MAY natuwa at mayroon ding nadismaya nang makabalik sa television si Baron hotshotsGeisler dahil napapanood na siya gabi-gabi sa Ang Probinsyano.

Dismayado ang iba dahil kapag nalalasing si Baron ay tila raw nag-iiba  ang pag-iisip nito at humahantong sa gulo.

May natuwa dahil nabigyan pa siya uli ng pagkakataon na makabalik muli sa limelight. Salamat kay Coco Martin na nagtiwala na bigyan ng pagkakataon  ito na makaarte sa harap ng camera.

“Out of nowhere, nalaos ako, nagkaroon ng problema tapos biglang  binigyan nila ako ng ga­nitong karakter na everyday nakikita. So that`s  a dream come true, that`s  an answered prayer.

“Kung tutuusin, I`m already in a place where God has already placed me na I`m very happy and grateful and I couldn’t ask for more.”

Napatunayan din ni Baron nang makasama niya si Coco Martin na tunay na busilak ang puso ng actor gaya nang na­ririnig niya sa kanyang mga kasamahan sa industriya.

“Nung una, akala ko parang sabi-sabi lang kasi siya ‘yung boss, hindi pala. Totoo pala na mahal talaga siya ng tao doon si Paps, basta makisama ka lang. Alam ko naman ang ibig sabihin doon. Hindi ‘yung pakikisama na magki-kiss ka sa ass ng mga tao.”

Payo nga raw sa kanya ni Coco ay huwag male-late, maging professional at huwag na huwag iinom bago, during or after ng trabaho.

Tila nakarating na rin yata kay Coco na kapag nakainom si Baron ay nag-iiba ang ugali nito at laging napapasuong sa away.

JODI STA. MARIA PIPI SA BALITANG FRANCHISE FREEZE NG ABS-CBN

AYAW muna magsa­lita ni Jodi Sta. Maria sa napapabalitang hindi pag-apruba sa franchise o license to air ng ABS-CBN sa susunod na taon (2020) dahil daw diumanong utang nito sa gobyerno.

Sa interview kay Jodi ay nasabi raw nito na hindi pa siya makapagbigay ng opinion tungkol dito at hindi naman siya kasama o kabilang sa man-agement team. Pero naniniwala si Jodi na may ginagawang solusyon ang ABS-CBN.

Ang tangi lang daw niyang magagawa sa ngayon ay magdasal na sana hindi magkaroon ng aberya ang pagre-renew ng franchise  ng network para na rin sa kapakanan ng maraming umaasa ng kanilang ikinabubuhay sa istasyon.

Nagpapasalamat  si Jodi sa Kapamilya network sa walang sawang pagtitiwalang  ibinibigay sa kanya mula pa noong nagsisimula pa lamang siya hanggang sa ngayon.

POPS FERNANDEZ NAGBUNGA ANG TIYAGA, PATOK ANG UNANG PRODYUS NA PELIKULA

STAR-STUDDED ang naganap na premiere night ng Feelennial (feeling Millennials) POPS FERNANDEZsa SM Megamall, Cinema 4 last Monday na pinagbibida-han nina Ai Ai delas Alas at Bayani Agbayani.

Matiyaga at masipag kasi sa pag-iimbita si Pops Fernandez ang co-producer ng movie na kung saan sumosyo siya sa Cignal. Nakiusap si Pops sa lahat ng kanyang mga feelennials friend, sa lahat ng kakilala na tulu­ngan siyang mag-promote sa social media.

Ayon pa kay Pops, malaking tulong din ang napo-promote ang movie sa social media.

Pakiusap rin ni Pops sa mga kaibigang press na isulat ang Feelennial dahil iba pa rin raw kapag nababasa ang kanilang pelikula sa mga tabloid at newspapers.

“I really love the press people. Grabe ang tulong nila sa promotion ng Feelennial (Feeling Mellennial), “say ni Pops.

Dumating nga sa premiere night sina Congresman Dan Fernandez, Manny V. Pangilinan, Gov. Chavit Singson, ang ex-husband niyang si Mar-tin Nievera at kanilang dalawang anak na lalaki, nandoon din ang nanay ni Pops na si Ms. Dulce Lucban at mara­ming pang iba.

Palabas na ngayon sa mga sinehan ang Feelennials at sigurado kami na maiibsan ng kaligayahan ang mga tao na may problema oras na mapa-nood ang movie na pinagtambalan nina Ai Ai at Ba­yani na kuwelang-kuwela ang mga ginawang pagpapatawa sa movie.

2 thoughts on “BARON GEISLER BINAWALAN NI COCO NA UMINOM SA SET ”

Comments are closed.