UMABOT na sa 57 construction workers ang nagpositibo sa COVID-19 na naka-lockdown sa barracks nang itinatayong condominium sa Barangay E. Rodriguez, Cubao, Quezon City.
Nabatid sa Quezon City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CESU), may una nang 27 mga trabahador ang nagpositibo sa construction site sa ginagawang condo na matatagpuan sa Standford St., Brgy. E. Rodriguez, Cubao.
Sa kalalabas pa lamang na resulta ng swab test mula sa CESU, nahawaan ang 30 pang construction workers nang naunang 27 mga trabahador na nagpositibo nitong nakalipas na araw.
Kaya naman umaabot na sa 57 ang COVID positive sa kabuuang 274 construction workers na naka-lockdown sa kanilang barracks sa nasabing lugar.
Agad namang nakipag-ugnayan si Brgy. Chairman Marciano Buena -Agua Jr., sa lokala na pamahalaan ng Quezon City para agad na mailipat sa quarantine facility ang mga nasabing nagpositibong trabahador upang maiwasang mahawaan pa ang maraming kasamahan nito na naka-lockdown sa barracks.
Aniya, kapag pinatagal pa ang mga trabahador na may COVID, malaki ang tsansa na mahawaan na rin ang 217 pang mga construction worker na nagtatrabaho sa itinatayong condo.
Batay sa rekord ng nasabing barangay, nitong Agosto 18 pa nang ini-lockdown ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang baracks na pagmamay-ari umano ng Mec Construction Company dahil sa hawaan ng nasabing virus. EVELYN GARCIA
544209 191809Merely wanna input on couple of common points, The website layout is perfect, the articles is really excellent : D. 146635
273911 87055Jane wanted to know though your girl could certain, the cost I merely informed her she had to hang about until the young woman seemed to be to old enough. But the truth is, in which does not get your girlfriend to counteract employing picking out her really own incorrect body art terribly your lady are usually like me. Citty style 434703
968620 258657Incredibly best man toasts, nicely toasts. is directed building your own by way with the wedding celebration as a result are supposed to try to be witty, amusing and consequently unusual as properly as. finest mans speech 727281