RIZAL-NASUNOG ang barracks na tinutuluyan ng mga construction worker malapit sa Marcos Highway sa bayan ng Cainta nitong Biyernes ng madaling araw.
Ayon sa mga nakasaksi, isang malakas na pagsabog muna ang narinig bago bumuga ang isang makapal na usok hanggang maitala ang mataas na apoy sa barracks.
Sinabi naman ni Sherwin, isa sa construction worker, natutulog siya sa labas ng barracks nang maganap ang sunog.
Sinubukan niyang buhusan ng tubig ang barracks subalit mabilis na itong kumalat.
Sa imbestigasyon naman ng Bureau of Fire Protection, napag-alaman na ang nakaimbak sa barracks ay mga pintura at construction materials.
Wala namang nasugatan o nasawi sa sunog.