Pinangunahan kamakailan ni Land Transportation Office ASec. Atty. Vigor D. Mendoza II ang coordination meeting hinggil sa paghahanda ng ahensya sa pagpapatupad ng barrier-free tollways.
Planong tanggalin ang mga barriers sa tollways upang lumuwag ang traffic flow, masiguro ang kaligtasan ng mga motorista, at mabawasan ang congestion.
Binigyang diin ni ASec Mendoza ang kahalagahan ng maayos na pag-uusapan at sapat na paghahandasa nasabing transisyon, upang masiguro ang smooth operations.
Dumalo sa meeting sina LTO Executive Director, Atty. Greg Pua Jr., at Law Enforcement Service Director Francis Ray A. Almora.
Dumalo rin ang mga Regional Directors (RD) sa mga lugar na may operational tollways kung saan kasama sina Region 1 RD Glorioso Daniel Martinez, Region 3 RD PBgen. Ronnie S. Montejo, Region IV-A RD Elmer Decena, at NCR RD Roque Verzosa.
Samantala, matagal nang iginigiit ni Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) founder and Chairman Ariel Inton na gawin nang permanenteng libre ang tollways ng CAVITEX. Aniya, gobyerno ang may-ari ng CAVITEX at ang pera ng gobyerno ay galing sa buwis ng mga manggagawang Filipino kaya dapat lang na libre nila itong natatamasa.
Kahapon, August 8, nagsagawa rin ang LTO Calabarzon ng routine enforcement operations bilang bahagi ng kanilang commitment na siguruhing ligtas at maayos ang mga kalsada.
Mahigpit na ipinatutupad ng LTO Calabarzon ang mga probision ng RA 4136, kung saan lahat ng sasakyan ay nakarehistro at ang mga driver ay may valid licenses. Target ng operation ang mga traffic violations tulad ng overspeeding, illegal parking, at unauthorized use of sirens and blinkers.
Dagdag pa rito, magsasagawa rin ng inspeksyon sa mga bus, jeepney, at iba pang public utility vehicles upang maberipika kung nagkakasunod sila sa safety standarfs at kung nasa proper working condition ang kanilang sasakyan.
JAYZL VILLAFANIA NEBRE