IMINUNGKAHI ni Mayor Rex Gatchalin ang konseptong “Barriers Up” sa mga toll plaza, pagsasagawa ng RFID sticker installation at loading/reloading sa expressway kapag natapos na ang toll plaza at system upgrades sa ginanap na “solutions meeting and dialogue” sa pagitan ng Valenzuela City at North Luzon Expressway (NLEX) Corporation kamakalawa.
Inilahad din ng Pamahalaang Lungsod ang “best practices”nito kasama ang paggamit sa kaalaman ng pribadong sektor, pagpapalakas ng pagpapatupad ng batas sa pamamagitan ng pamumuhunan sa teknolohiya at no contact apprehension program (NCAP) bilang patunay na ang mga planong umepekto sa lungsod ay maaari rin gawin ng NLEX Corporation.
Isinulong din ng alkalde ang technology upgrade para lutasin ang consumer rights issues ng pangungulekta ng bayad sa RFID. Maliban dito ay nais din ng punong-lungsod na matapos ang upgrade sa Enero 2021 para maibsan ang hinaing ng mga motorista.
Biinigyan ang NLEX Corporation ng sapat na panahon para pag-aralan ang mga mungkahi at iba pang napag-usapan sa pulong at magbibigay ng update sa lokal na pamahalaan ukol sa mga kaganapan.
Sa nasabing dayalogo ay ipinakita naman ng NLEX Corporation, sa pangunguna ni President and General Manager J. Luigi Bautista ang mga plano nito sa pagpapaluwag ng mga toll plazas sa Valenzuela City at kung paano tutugunan ang mga isyu sa RFID sticker at hamon sa pagre-reload.
Bubuksan umanong muli ng korporasyon ang mga cash lanes, magtatalaga ng mga RFID assistants,at paiigtingin ang RFID replacement program at communication campaign.
Balak din ng NLEX na magpatupad ng selective and timed Barriers Up scheme”” para sa RFID lanes kapag masikip ang daloy ng trapiko na suportado ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Jojo Garcia ang mungkahing Barriers Up.
Magugunitang sinuspinde ng Valenzuela City ang business permit ng NLEX Corporation nang mabigo itong maglatag ng kongkretong solusyon at plaano kasunod ng pagsisikip ng daloy ng trapiko sa Valenzuela City dahil sa “palpak”na RFID system.
Ayon sa lokal na pamahalaan, ang suspensyon ay bunga ng kapabayaan sa kapakanan at kaligtasan ng mga mamamayan at consumer rights kahit pa nanawagan na para sa pagpapainam ng RFID system si Mayor Rex Gatchalian.
Dahil sa nasabing kaganapan ay nagkaroon ng toll holiday sa anim na NLEX toll plazas sa lungsod at it ay sa, Karuhatan-Mindanao Avenue Toll Plaza, Karuhatan-Harbor Link Toll Plaza, Karuhatan-MacArthur Highway Sub-Exit, Mindanao Avenue Toll Plaza, Paso de Blas Toll Plaza, at Lawang Bato Toll Booth. VICK TANES/EVELYN GARCIA
Comments are closed.