NABIGO si Filipino fighter Mark Barriga sa kanyang IBF mini-flyweight title bout laban kay Carlos Licona ng Mexico sa Staples Centre, Los Angeles kahapon.
Sa kabila ng matikas na ipinakita sa second half ng bakbakan, natalo ang Pinoy pug via split decision.
Dalawang judges ang nagbigay ng iskor na 115-113 pabor kay Licona, habang ang isa ay 115-113 para kay Barriga.
Sa panalo, si Licona (14-0) ay naging bagong IBF mini flyweight king habang nalasap ni Barriga ang unang career defeat sa 10 fights.
Ang bout ay kasunod ng laban nina Deontay Wilder at Tyson Fury na nauwi sa kontrobersiyal na split draw.
Comments are closed.