BARRY PALANA AT MARK DAVE VILLEGAS 2018 FIGBA NATIONAL BREEDER OF THE YEAR

2018 FIGBA NATIONAL

TAMA po ang nababasa ninyo, isang backyard breeder na taga-MacArthur, Leyte ang sumungkit ng prestihiyosong pinakamagaling na gamefowl breeder sa buong bansa na igi­nawad ng FIGBA ngayong taon, sa katauhan ni BARRY PALANA ng GAMEFOWL BREEDERS ASSOCIATION OF EASTERN VISAYAS (GBAEV). Cobreeder of the year naman sina MARLON RODRIGUEZ AT GERRY PABLICO ng UNITED ILOCANDIA GAMEFOWL BREEDERS ASSOCIATION (UNIGBA).

Si Mark Dave Villegas ang kumatawan kay Barry nang tanggapin niya ang tropeo at sinabi niyang, “Dala­wa lamang ang entry namin sa BAKBAKAN at siguro suwerte  lang kami at pinalad na manalo ng 12 at walang talo.”

Bukod sa pagiging kampeon ay nakuha rin nila ang 2018 FIGBA BREEDER OF THE YEAR AWARD.

Sa mga maga­gandang biyaya at su­werteng  hatid ng pagiging kampeon ay nagkasundo sina Barry at Mark na gawing negosyo ang bisyong ito na nagbigay sa kanila ng magandang kapalaran. Kung dati ay nagpo-produce lamang sila ng 100 na stag, ngayon, ayon kay Mark,  ay halos umabot na sa 1000 sisiw ang nasa alpasan at dahil sa napakaraming nagte-text, tumatawag at nag-i-inquire sa FB  ay napagkasunduan ng dalawa na si Mark bilang farm manager at si Barry naman ang bahala sa pang-araw-araw na budget ng TOTONG – RBD GAMEFARM.

Sa aming panayam kay Mark, halos araw-araw raw ay may mga nagtatanong ng kanilang mga palahi nang sila po ay magkampeon sa BAKBAKAN, bukod pa riyan  ay gusto rin  ng mga bumibili na magkaroon sila ng mga lahi na nanalo sa BAK-BAKAN.

Ang pagiging kampeon sa BAKBAKAN ang siyang pinakamalaking sabong sa buong mundo. “Habang mainit pa ay dapat po malaman ng mga mahilig sa sabong na kami po ay magbabahagi ng aming mga palahi depende po kung may available pa dahil nang lumabas po kami sa TUKAAN ay halos wala na pong natira sa aming manukan. Tinatanggihan na po namin sa kadahilanang hindi na maganda ang mga manok at pinagpilian na. Para po sa amin ni Mark, napakahalaga na maligaya ang sinumang bibili sa amin dahil alam po namin ang hatid na saya ng makakuha ka ng maayos at magandang mga materyales. Tulad po namin ni Mark na parehong OFW, sinisi­guro  po namin na mataas ang kalidad ng mga manok na kanilang makukuha sa kadahilanang dugo at pawis ng isang OFW ang perang ibabayad dito “sabi ni Barry.

“Nagulat ako nang makita ko na napakaraming opportunity at malaki ang potensiyal  na kumita ka ng mara­ngal at parehas sa sport na ito,” dagdag  ni Mark,” na isang seaman na hindi muna sasakay ng barko upang matutukan ang kanilang manukan.

Ako po ay naniniwala na malaki ang potensiyal  na ang bisyo po nating sabong ay gawin nating negosyo at ang pagiging kampeon at breeder of the  year ay isang malaking karangalan na malamang magbigay ng magandang kapalaran para kina Barry at Mark.

Ang hamon na lamang sa dalawa ay mapunan ang lahat ng tawag at order ng mga sabungero lalong-lalo ang mga backyard breeder na tulad nila ay nangarap at naging kampeon sa BAKBAKAN.

Ang sabong ay tunay na mahiwaga at sa dinami-rami ng sumaling entry noong nakaraang BAKBAKAN ay pawang hindi mga kilala at mga backyard breeder ang nagwagayway ng bandera ng GBAB, GBAEV at UNIGBA. Isang patunay na ang sport na ito ay patas, magaling at marangal na nagbibigay ng pagkakataon sa sinumang gustong matupad ang kanilang mga ­pangarap.

Sa ngalan po ng EXCELLENCE POULTRY AND LIVESTOCK SPECIALISTS, kami po  ay lugod na nagpapasalamat sa mga KAMPEON AT BREEDER OF THE YEAR NG FIGBA sa inyong paggamit at pangtangkilik sa mga produktong gawa ng TATAK EXCELLENCE.

Sa mga interesado pong makakuha ng  materyales kina Barry at Mark,  matatawagan po ninyo sila sa  0977 685 0698 o i-message  sa kanilang FB na RBD MACARTHUR  AT BARRY PALANA.

Comments are closed.