INIUTOS ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbuhay sa age-old barter trade sa Mindanao.
Nilagdaan ni Duterte noong Oktubre 29 ang Executive Order 64 na nag-aatas sa pagbuhay sa barter trade, pagsusulong sa paglago at pag-unlad nito, at paglikha sa Mindanao Barter Trade Council (MBC).
“Consistent with the ten-point socio-economic agenda of the administration to promote rural and val-ue chain development, the revival of barter in Mindanao will not only create jobs and business oppor-tunities, but will also strengthen trade and commerce between and among member-states of the BIMP-EAGA [Brunei Darussalam-Indonesia-Malaysia-Philippines – East ASEAN Growth Area],” nakasaad sa nasabing EO.
Ipinag-utos ng Pangulo ang pagbuo sa MBC na may mandatong pamahalaan, i-coordinate at i-harmonize ang mga polisiya, programa at aktibidad sa barter, kung saan ang mga mangangalakal ay nagpapalitan ng produkto at serbisyo na walang ginagamit na pera sa Mindanao.
Ang MBC ay isasama sa Department of Trade and Industry (DTI) at magtatayo ng main office sa Jolo, Sulu.
Ang MBC ay bubuuin ng DTI Secretary bilang chairperson at chairperson ng Mindanao Development Authority (MinDA) at commissioner ng Bureau of Customs (BOC) bilang vice chairpersons.
Bahagi rin ng MBC ang mga kinatawan mula sa Departments of Finance, Foreign Affairs and Agriculture, DTI-Autonomous Region in Muslim Mindanao, Maritime Industry Authority, Philippine Coast Guard at Philippine Ports Authority.
Maaari ring imbitahan ng council ang mga kinatawan mula sa major Muslim ethno-linguistic groups tulad ng Tausug at Yakan na lumahok sa proceedings nito.
Comments are closed.