DAHIL gawa sa light materials ang barung-barong na nasunog, mabilis na kumalat ang apoy nito at nadamay rin ang kadikit na lumang gusali sa panulukan ng Aguilar at Masangkay Streets, Tondo, Maynila kahapon ng madaling araw.
Ayon sa Bureau of Fire Protection-Manila, dakong alas-3 ng madaling araw nang sumiklab ang apoy sa mga nakahanay na barung-barong na nakadikit sa lumang building na nagsisilbing bodega.
Batay sa ulat, kabuuang siyam na pamilya ang apektado ng sunog.
Nabatid na limang pamilya mula sa nasabing shanties habang apat na pamilya naman sa nadamay na gusali.
Ang nasabing gusali ay mayroong nakaimbak na produkto kung saan ang nakatira roon ay nasa online business.