BARYANG 20 PESOS ISASAILALIM SA DELIBERASYON NG BSP

P20-BSP

ISASAILALIM  sa masusing  deli­berasyon ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang mungkahing gawing barya ang P20 papel.

Sa isang pahayag, sinabi ng BSP na isang total systems study sa currency cycle  sa central bank ang ginawa ka­makailan ng isang grupo mula sa University of the Philippines.

“One of the recommendations is the replacement of the 20-Piso banknote with coin as it is the most used denomination for small-value transactions, causing it to be easily unfit and returned to the BSP for replacement,” ayon pa sa pahayag ng BSP.

Pag-aaralan ng  Committe on Currency Design and Enhancements ng BSP  ang isyu ng specification, security features, at disenyo ng ilalabas na pera.

Agad namang isusumite kay Pangulong Rodrigo Duterte para sa kaukulang pag-apruba ang magiging resulta ng pag-aaral ng BSP.

Ang rekomendas­yon ng UP para gawing papel ang P20 barya ay  bunga ng katwirang mas madalas na nagagamit ang nasabing halaga sa mga transaksiyon na nag­reresulta sa madaling pag­luma nito.

Matatandaang nagdulot ng pagkalito ang mga  inilabas  na  bagong barya na piso, limampiso at sampung piso dahil halos magkakasinglaki  ang mga ito.

Comments are closed.