BASIC HEALTH PROTOCOLS, UNAHIN! -FRONTLINERS GROUP

Alvin Constantino

ISANG grupo ng mga frontliner ang nananawagan sa lahat ng community pantry organizers na unahin ang pagpapatupad ng mga basic health protocols bukod sa kanilang malinis na layuning makatulong sa mas nangangailangan sa gitna ng Covid-19 pandemic.

Hinimok ni Alvin Constantino, founder ng Confederate Sentinels of God (CSG) Inc. ang lahat ng may magagandang layunin na mga organizer na mahigpit na ipatupad ang minimum health protocols ng Department of Health upang lubos na maproteksiyunan ang sinuman laban sa nakamamatay na virus.

“Isipin at pagplanuhan natin mabuti ang itatatag na community pantry projects upang tunay tayong makatulong sa mga less fortunate at nagdurusa nating mga kababayan,” saad ni Constantino.

“Huwag nating hayaan na kumalat ang Covid-19 sa ating komunidad na maaaring maging sanhi ng kamatayan ng ating mahihirap na kapitbahay. Sinasaluduhan ko po ang ating community pantry organizers.

Your hearts are similarly attuned to the hearts of our patriotic

Filipino heroes of the past,” diin pa nito.

Nagpahayag naman si Dr. Leo Olarte, president ng Bayanihan Frontliners Movement na sisimulan na nila sa National Capital Region (NCR) ang nationwide distribution ng mga pagkain at relief goods sa bahay-bahay katuwang ang Department of Social Welfare and Development kasabay ng libreng 24/7 online telemedicine service (www.docph. org).

Ayon naman kay Dr. Benito Atienza, president, Philippine Medical Association, isang joint Lingkod Bayanihan caravan ang kanilang pinasimulan sa Hospital de San Jose Orphanage sa Quiapo, Manila sa pamimigay ng mga pagkain at relief goods sa  450 na bata at matatanda kaalinsunod ng online telemedicine services. BENEDICT ABAYGAR, JR.

4 thoughts on “BASIC HEALTH PROTOCOLS, UNAHIN! -FRONTLINERS GROUP”

  1. 920236 86215Hello, Neat post. There is an problem along along with your website in internet explorer, could test thisK IE nonetheless will be the marketplace leader and a huge portion of other folks will miss your magnificent writing because of this dilemma. 999334

Comments are closed.