GOOD day, mga kapasada!
Sa panahon ng pabago-bagong palitan ng piso laban sa dolyar, walang magagawa ang mga nasa industriya ng sasakyan, partikular ang mga driver ng pamasadang behikulo na dito umaasa ng pantustos sa pangangailangan ng pamilya sa kanilang hapag kainan kundi ang pagkakaroon ng masinop na inklinasyon sa wastong pagmamantine (maintenance) ng kanilang sasakyan.
Dahil sa deregulasyon ng presyo ng petrolyo, umiisip ng iba’t ibang paraan ang ating mga operator kung papaano makatutugon sa tawag ng pangangailangan ang kanilang mga driver para naman hindi sila masadlak sa maliit na kita at magiging daan para kumalam ang sikmura ng pamilya.
Magugunita na halos ilang beses isang buwan magtaas ng presyo ng petrolyo. Magkakaroon ng kakarampot na rollback sa presyo, ngunit pagkalipas ng ilang araw ay mahigit pa sa doble ang itataas nito.
Bunsod nito, marami nang beses na tinangka ng iba’t ibang samahan sa industriya ng sasakyan ang pagwewelga at humihingi ng taas na pasahe, bagay na tinututulan naman ng mga mananakay dahil ito ay dagdag pahirap sa kanilang kakarampot na kinikita dahil ang karamihan sa kanila ay nasa estadong “casual” at ang kanilang ipinaglalabang regularisasyon ay waring pumasok sa taingang kawali ng kinauukulan.
Sa pakikipanayam ng Patnubay ng Drayber sa ilang car users, patuloy silang humahanap ng paraan para matugunan nila ang hamon ng pagtitipid sa paggamit ng motor vehicle at isa sa paraang kanilang natutunan ay ang mag-switch ng gasoline engine to diesel engine na proven na higit na makatitipid sa enerhiya kaysa gasoline laban sa diesel engine.
FUEL SAVINGS SA GASOLINA VS DIESEL FUEL
Ayon sa professional mechanic ng isang Shell service station sa Paranaque City, maraming benepisyo para sa isang car owner ang pagpapalit ng kanyang gasoline feed engine to diesel engine.
Sinabi nito na “thinking of switching your gas engine to diesel engine, consider these advantages”:
- Fuel Savings – ang karamihan kung hindi man lahat sa diesel engine ay 30% more efficient kaysa gas power engine.
Inihalimbawa ng source mechanic ang isang matandang Volkswagen diesel engine, nakakokosumo lamang ito ng karaniwang humigit kumulang sa 45-50 miles per gallon samantalang ang bagong modelong engine ay komukunsumo ng humigit kumulang sa 60 gallons.
- Engine reliability: -Kung ikukumpara sa mga gas engine, higit na matatag at lumalaban sa tagal ng panahon ang gamit ng diesel engine.
Ayon source mechanic, ang engine life ay maaaring tumagal ng 300 hanggang 400,000 miles o mahigit pa.
- Gas Engine Emission – Ang diesel engine ay walang gasinong carbon dioxide at hydrocarbons na ibinubuga ‘di tulad ng gas engine na sobrang polusyon ang dulot sa kapaligiran.
- Less maintenance cost – Ipinaliwanag ng source mechanic na ang diesel engine ay hindi nangangailangan ng tune-ups kung ikukumpara sa gas engine.
Gayundin, hindi gumagamit ng spark plug ang diesel engine ‘di gaya ng gas engine na maituturing na isang big plus sa maintenance. Ang tanging gastos sa diesel engine na less cost in maintenance ay:
- to keep regular oil and filter.
- air filter change at schedule interval.
PAANO IKUKUMPARA ANG DIESEL SA GAS ENGINE
- ‘Di tulad ng gas engine, ang diesel engine ay walang electrical ignition parts tulad ng:
- spark plug.
- wires and moving parts tulad ng: distributor rotor na may limited life na kailangang palitan sa regular basis.
- Ang diesel engines run at higher compression pressure than gasoline engines na kailangan ang higher compression for most higher performance (matulin).
BASIC TIP SA MAINTENANCE NG DIESEL ENGINE
Sa ating karanasan na kapag nag-overheat ang sasakyan with gas engine, sandali nating ipaparada ito sa isang ligtas na lugar at palalamigin ng ilang minute ang makina.
Intonses, kapag malamig na, muli nating ii-start at you are already on the way rolling.
Kung ang ganitong pagkakataon ay mangyari sainyong diesel engine, the engine is almost damage beyond repair and knowing this tip can save you a lot of headache when you own a vehicle with diesel engine.
Sa ilang diesel engine, ang cooling system ay gumagamit ng coolant filter upang kontrolin ang acidity (or ph value) ng coolant.
Ang filter na ito ang tumitiyak na ang silindro(cylinder ) ay hindi nagbi-build up ng corrosive particle sa loob ng engine.
Ang isang advantage ng paggamit ng coolant filter sa diesel engine ay bukod sa paggamit ng cool or protective lining to the surface engine metal (tulad ng engine block) mayroon din itong active anti-forming chemical agent na nangangalaga sa liquid’s surface tension na nakababawas sa pakakaroon ng bula sa coolant filter.
Ang gasket sa diesel engine ay kailangang ma-check sa tuwina dahil ito ay nakalantad sa sobrang(extreme operating conditions).
Hanggang maaari, ang lahat ng mounting bolts ay kailangang mare-torqued sa regular interval upang maiwasan ang pagkakaroon ng tagas lalo na sa combustion mounting areas.
Gayundin, dapat itong gawin sa mga coolan hoses dahil madali itong masira kung hindi ito wastong napangangalagaan dahil ito ay nalilikha dahil sa labis na vibration ng engine.
Kailangang laging papalitan ang lahat ng mga gasket na may tagas.
PAGPAPALIT NG OIL FILTER
Sa pagpapalit ng oil filter, ang pagpili ng oil filtrer ay lubhang napakahalaga sa diesel engine dahil sa bad elements ng sulfur resdidue at ang nalikhang carbon kung hindi nasunog nang wasto.
Ang nagamit na filter ay kailangang matugunan o mahigitan ang OEM filter na inirerekomenda ng vehicle manufacturer manual.
*** Take Note***
“Defensive Driving Creed – I believe that the development of driver skills in avoiding accidents is the best way to present them, from this it follows that every driver has a moral obligation to work at development these skills.” – source- Lbelen defensive driving.
ANG PAGKAKAIBA NG DIESEL AT GAS ENGINE
Ang diesel engine ay isang panloob na kumbastiyong makina na umaasa sa init ng compression sa pagsisindi ng gastong.
- Tanging hangin lamang ang tinatanggap sa sandali ng admission stroke – tuwirang ipinapasok ang gatong sa loob ng combustion chamber sa dulo ng compression stroke at sa sandali ng unang bahagi ng power stroke.
- Ang gatong ay sinisindihan sa pamamagitan ng init ng mataas nakompresyon ng hangin.
- Dahil sa kayarian, ang parts ng diesel engine ay sumasagap ng malakas na presyon at paharap ay nararapat maging mas matibay kaysa karaniwan o dili kaya ay yari sa mga espesyal na materyales.
- Ang pangunahing pagkakaiba sa diesel engine ay ang init sa pagpapalabas ng gatong ay nasa hangin ng silindro bago simulan ang paggamit ng gatong.
Sa gas engine naman, ang gatong ay nasa hangin sa sandali ng pagtanggap bago simulan ang paggamit ng init – ang siklab (electrical spark) ang magsisidi sa gatong.
- Sa makinang de gasolina, ang isang karga ng gasolina at hangin ay nagkakahalo sa loob ng karburador, at pagkatapos ay sinisiksik sa silindro at sinisindihan ng isang siklab (spark).
Samantala, sa diesel engine, isang karga ng hangin lamang nasisiksik sa silindro, ipinapasok ang gastong at sinisindihan sa pamamagitan ng init ng mataas na kompresyon (ng hangin).
Ang diesel engine ay tinatawag na makinang may pirmihang prisyon, sa halip na gas engine na kung tawagin ay makinang may pirmihang bolumen(volume).
Ang diesel engine ay tinawag na isang makinang may pirmihang prisyon sapagkat sumisindi ang gatong sa sandaling ang mga unang katiting ng mga bagay (particles) nito ay pumasok sa silindro at magpatuloy sa pagsindi, pagsunog at pagpapalawak sa buong sandali ng pagtanggap kung kaya ang prisyong nalikha nito ang nagpapagalaw sa piston ng pagsulong.
Ang gas engine ay tinagurian bilang isang makinang may pirmihang bolumen sapagkat ang bolumen ng gasoline at pinaghalong hangin na pumapasok sa silindro at ito ay nasisiksik at pagkatapos ay nasisindihan ng isang siklab. Ang resulta o bunga nito ay isang pagsabog o eksplosyon, isang kagyat ng prisyong mabilis bumaba habang ang piston ay gumagalaw at nagbiigay ng higit pang espasyo sa mga gas
KAUNTING KAALAMAN – SA PAGLIKO, TATLONG BAGAY ANG UNANG DAPAT GAWIN. UNA, MALAYO PA AY ISIPIN NA KUNG SAAN GUSTONG LUMIKO. ANG ORA-ORADANG DESISYON AY MAKAKAISTORBO SA IBANG MGA DRAYBER. PANGALAWA, TINGAN KIUNG SAAN ANG TAKBO NG MGA PAGKALIWA ANG PUHIT NG MANIBELA, AT KANAN ANG PUNTA NG TRAILER ‘PAG KANAN ANG MANIBELA, KALIWA ANG PUNTA NG TRAILER.
LAGING TATANDAAN: UMIWAS SA AKSIDENTE UPANG BUHAY AY BUMUTI. HAPPY MOTORING!
Comments are closed.