PARA makuha ang pinakamagandang Feng Shui sa inyong tahanan, heto ang simpleng step-by-step guide:
- Declutter. Ito na ang panahon para alisin at itapon ang mga bagay na hindi mo na ginagamit o hindi mo na masyadong kailangan. Sa ganyang paraan, makagagalaw ka ng maayos at mapabibilis mo pa ang daloy ng Chi sa iyong silid. Mas maganda kung uumpisahan mo ang paglilinis sa kusina.
- Pumili ng dalawang aspeto sa buhay mo na gusto mong maiayos o mas mapabuti, at ayusin ang area upang bumagay sa Bagua. Hindi mo kakayaning maayos lahat ng biglaan. Kaya naman mas mabuting piliin ang gusto mong unahin at saka na lamang ang iba. Huwag kang mag-alala, matatapos mo rin yan.
- Dapat, simple lang ang layout o interior ng bahay mo. Mahirap kasing i-maintain ang balance ng bahay kung kumplikado ang house layout. Iwasan ang mga bulky furniture na makahaharang sa pinto dahil makaaapekto ito sa daloy ng positibong enerhiya.
- Hanapin kung may mga bagay sa kwarto o sa bahay na makasasagabal sa malayang pagdaloy ng positibong enerhiya o Chi. Marami kasing bawal sa Feng Shui na magiging sanhi ng conflict upang mabalanse ang lahat sa bahay.
Sa totoo lang, napakaraming mga bagay na isinasaalang-alang sa feng sui ng mga Chinese. Pero hindi naman tayo Chinese. Ang mga ibinibigay namin sa inyo ay suhestiyon lamang at nasa sa inyo na kung susundin ninyo o hindi. Pero kung susundin ninyo, wala naman sigurong mawawala.