NADOMINA ng Jumbo Plastic-Basilan ang Kapatagan, 118-84, Lunes ng gabi para mahabi ang kasaysayan sa Chooks-to-Go VisMin Pilipinas Super Cup Mindanao leg sa Pagadian City Gymnasium sa Zamboanga del Sur.
Ang 118 puntos ng Basilan ang pinakamalaking output na naitala sa liga at nalagpasan ang 111 na kinamada ng MisOr, may dalawang araw ang nakalilipas. Gayundin, ang 34 puntos na bentahe ang ikalawang pinakamalaking agwat mula nang maitala ng MJAS Zenith Talisay ang 38 puntos na panalo laban sa Tubigon, 104-66, sa Visayas leg ng kauna-unahang professional league sa Katimugan.
Mula sa 13 puntos na kalamangan sa first half, umarya ang Peace Riders sa 30 puntos na bentahe, 60-30, mula sa 19-2 run sa unang apat na minuto ng third period.
Pinangunahan ni Hesed Gabo ang ratsada ng Basilan sa naiskor na 14 puntos mula sa 5-of-5 shot sa field at 3-of-3 sa free throw.
Nakopo ng Basilan ang ikatlong sunod na panalo para makisosyo sa Clarin sa liderato.
Naitala naman ng Petra Cement-Roxas ang ikalawang sunod na panalo nang pabagsakin ang Iligan, 84-79.
Galing sa makapigil-hiningang 71-69 panalo mula sa buzzer-beating layup ni Lester Reyes laban sa JPS Zamboanga City, maagang nadiktahan ng Roxas ang momentum tungo sa 17 puntos na bentahe sa final period.
Nagawang makadikit ng Iligan, tampok ang krusyal na basket ni Joel Lee Yu, 77-79, may 1:29 ang nalalabi sa laro, ngunit sapat ang kumpiyansa nina Reyes at Leo Najorda para mailayo ang iskor tungo sa panalo para sa 2-0 karta.
Nanguna sa Roxas si captain James Castro na may 17 puntos, 5 rebounds, at 3 assists.
Sa ikatlong laro, nakabawi ang JPS Zamboanga nang gapiin ang MisOr, 85-75.
“After our loss yesterday, Jerwin talked to the team to lift their spirits up,” pahayag ni JPS Zamboanga head coach Tony Pardo, patungkol sa gahiblang kabiguan sa Roxas mula sa buzzer-beating shot.
Hataw si Gerwin Gaco sa naiskor na 24 puntos, habang kumana si Gabby Espinas ng 14 puntos at 11 rebounds. EDWIN ROLLON
Iskor
Unang laro:
Basilan (118) – Gabo 22, Bringas 14, Baloria 13, Lunor 11, Mabulac 11, Collado 10, Manalang 10, Hallare 7, Uyloan 6, Bitoon 5, Siruma 4, Tan 3, Taganas 2, Saliddin 0, Juico 0.
Kapatagan (84) – Palma 14, Mandreza 11, Monte 11, Teodoro 9, Doroteo 8, Inigo 7, Ng Sang 7, Alanes 6, Fajarito 4, In-cio 4, Tabaquero 3, Siarot 0, Costelo 0, Acain 0, Sollano 0.
QS: 20-12, 41-28, 82-59, 118-84.
Ikalawang laro:
Roxas (84) – Castro 17, Najorda 16, Bondoc 16, Jaime 10, Camacho 8, Rifarial 6, Casino 5, Sta. Ana 2, Reyes 2, Deles 2, Elmejrab 0, Templo 0, Pasia 0.
Iligan City (79) – Lee Yu 21, Baltazar 18, Marata M. 11, Pinas 7, Canon 6, Andor 6, Ballon 4, Dionson 2, Reyes 2, Ta-mayo 2, Ordeniza 0, Tagolimot 0, Marata E. 0.
QS: 20-20, 49-36, 70-59, 84-79.
Ikatlong laro:
Zamboanga City (85) – Gaco 24, Espinas 14, Jeruta 11, Salim 11, Yu 10, Neypes 6, Lingganay 5, Belencion 2, Ferrer 2, Waminal 0, Jumaoas 0, Sabdulla 0.
MisOr (75) – Sedurifa 16, Estrella 13, Baracael 10, Buenafe 9, Ballesteros 6, Munsayac 5, Cervantes 4, Meca 4, Cawalang 4, Sanga 3, Tagarda 2, Salcedo 0.
QS: 24-25, 48-44, 74-60, 85-75.
573195 613166There several fascinating points in time in this post but I dont know if I see these center to heart. There might be some validity but Ill take hold opinion until I explore it further. Outstanding post , thanks and then we want a lot more! Put into FeedBurner too 777740
377879 363538This write-up gives the light in which we can observe the reality. This is really good 1 and gives in-depth details. Thanks for this good article. 558368
322620 288702Amazing beat ! I wish to apprentice while you amend your web site, how could i subscribe for a blog web site? The account aided me a acceptable deal. I had been slightly bit acquainted of this your broadcast provided bright clear notion 591792