NITONG mga nakaraang panahon, naging kontrobersyal ang Maynila dahil sa pagtatayo ng Torre de Manila. Ayon sa mga tagapagtanggol ng kasaysayan, ang gusaling ito ay makasisira sa tanawin sa Luneta, lalong-lalo na sa bahagi kung saan maraming tao ang nagpapakuha ng larawan, ang Dambana ni Rizal.
Kamakailan, muling nasangkot ang lungsod dahil sa isang tulay na magkokonekta ng Binondo sa Intramuros. Sa orihinal na plano, ang tulay ang magpapaluwag ng daloy ng trapiko papasok at palabas ng Binondo, ngunit may pangambang sisirain nito ang integridad ng Simbahan ng San Agustin, isa sa itinuturing na World Heritage Site.
Hindi pa natatapos ang gulong ito, isa na namang gusali ang nanganganib ang integridad dahil sa planong pagtatayo ng isang mataas na condominum, ilang metro lamang ang layo rito. Kung nadaraan kayo sa Quiapo, mahirap na hindi mapansin ang Basilica ng San Sebastian dahil sa estilong arkitektural nito na tinatawag na neo-Gothic.
San Sebastian Church ang kauna-unahang basilica sa buong Pilipinas, at para sa Simbahang Katolika, isa itong mataas na uri ng sining na nararapat lamang para sa isang “hari”. Sa wikang Griego, ang ibig sabihin ng basilica ay “naaangkop sa isang hari” o “makahari”. Sa ngayon, 19 na ang Basilica sa buong bansa.
Ngunit ano ang problema kung hindi gaanong mapapansin ang San Sebastian? Ang komunidad ng San Sebastian ay hindi lamang ang basilica. Kinapapalooban ito ang mayamang kasaysayan ng Orden ng mga Agustinong Recoleto at ng maraming taong naging bahagi ng kasaysayan ng bansa. Unahin natin ang pagiging tahanan nito ni San Ezequiel Moreno. Kahit hindi Filipino si San Ezequiel Moreno, ginugol niya ang malaking bahagi ng kaniyang buhay sa Pilipinas. Nagtatag siya ng mga parokya, at inaral niya ang ating wika. Kaya nang ideklara siyang santo ng Simbahang Katolika, naging dalawa na ang Santo sa langit na marunong managalog.
Liban kay San Ezquiel Moreno, naging tahanan din ng mga Augustinian Recollect Sister (AR Sisters) ang San Sebastian. Ang AR Sisters ay itinatag noong 1725, pangalawang pinakamatandang kongregasyon ng mga relihiyosa na itinatag sa Asya. Nauna lamang ng kaunti dito ang Religiosas de la Virgen Maria (RVM) na itinatag noong 1684. Sa ngayon, ang mga AR Sisters ay mayroong 222 na mga Perpetually Promised na miyembro ay 14 na mga Temporary Promised.
Ang San Sebastian din ang naging kauna-unahang sentro ng debosyon sa Nuestra Senora del Carmel. Hindi pa man dumrating sa bansa ang mga Carmelies, nauna nang dumating ang imahe ng Virgen del Carmen, na hangga ngayon ay nakaluklok pa rin sa San Sebastian Basilica.
Kung hindi ka naman relihiyoso, o kung hindi ka man Katolikio, may isa pang dahilan kung bakit mahalaga ang simbahang ito. Ang estilo ng simbahan ay kinopya sa Notre Dame de Paris, na Gothic style kaya ito ay representasyon ng Rennaisance art na kinilala sa Europe ilang daang taon na ang nakalipas. Ito rin ang kaisa-isahang simbaan sa Far East Asia na gawa sa asero. Sa ilang pagkakataong tinatamaan ng kidlat ang kampanaryo ng San Sebastian Church, kinailangang patayin ang kuryente sa buong simbahan dahil sa mararamdaman mo ang kuryenteng dumadaloy sa mga haligi nito.
Liban sa pagiging tanging simbahang asero, makasaysayan rin ang pagtatayo ng simbahang ito na dinisenyo ni Genaro Palacios. Pinaghalo niya ang Gothic at Baroque Style na hindi kayang igupo ng lindol at sunog. Noong 1880, lumindol ng malakas sa Luzon na ikinawasak ang halos lahat ng gusali sa paligid ng San Sebastian. Nasira rin ang simbahan ngunit madali itong naayos sa tulung ng Belgium na kumuha pa ng mga kakailanganin sa konstruksyon sa ibang bansa. Pinangasiwaan ng Germans ang pagsasaayos nito, ngunit ang mga Pilipino na ang silang tumapos. Samakatuwid, ang simbahang ito ay simbulo ng pagkakaisa ng East at West.
Sa ngayon ay maraming banta sa basilica. Ilang bahagi nito ay kinakalawang na dahil ito ay hindi bato kundi asero. Kailangan ding patatagin ang pundasyon nito upang hindi gumuho.
Malapit na ang ika-400 taon ng pagkakatatag ng simbhang ito. Layon ng kanilang pangasiwaan na makapangalap ng 400,000 lagda upang mapangalagaan ang Simbahan at ang taglay nitong kasaysayan.Iniaapela nila ang pagtatayo ng isang condominium malapit sa simbahan.
Sa mga nagnanais tumulong, maaaring bisitahin ang Facebook page ng fountadion, https://www.facebook.com/savessbasilica/. Ang pagpapahalaga sa mga makasaysayang lugar sa bansa ay isang di matatawarang pamana na maaari nating isalin sa ating mga anak at apo. JAYZL VILLAFANIA NEBRE
941486 974992This is an outstanding write-up and I totally understand where your coming from within the third section. Perfect read, Ill regularly follow the other reads. 342963
104482 194597Does your weblog have a contact page? Im having a tough time locating it but, Id like to send you an e-mail. Ive got some suggestions for your blog you may be interested in hearing. Either way, fantastic site and I appear forward to seeing it expand over time. 374972
559338 718344I discovered your weblog post internet website on the search engines and appearance several of your early posts. Always maintain the top notch operate. I additional the Feed to my MSN News Reader. Seeking forward to reading considerably more on your part down the line! 696456