NOONG Miyerkoles ng gabi, ang buong bansa ay nakatutok sa FIBA Asia Cup qualifying basketball. Isang tagumpay na naman ang ating nakamit sa ating patuloy na pagsulong sa Philippine basketball. Isang maliwanag na bukas ang naghihintay para sa ating mga atleta sa larangang ito.
Ako ay nakasisiguro na ang mga tagahanga ng basketball na nakatutok noong Miyerkoles ay lubos ang pagkamangha sa naging pagtatapos ng laro sa pagitan ng Filipinas at ng South Korea. Kung hindi natulala ay malamang nag-umapaw ang kagalakan ng mga tagahangang nakapanood sa buzzer-beater na three-point shot ni SJ Belangel na siyang nagpanalo sa Gilas Pilipinas cadet squad laban sa Asian powerhouse na koponan ng South Korea sa iskor na 81-78, sa AUF Sports and Cultural Center sa Angeles, Pampanga.
Lubos ang kasiyahan at pagmamalaki ni coach Tab Baldwin sa ipinamalas na galing ng kanyang koponan.
“It was exciting. I mean, you know, it’s a shame that we didn’t have 20,000 people in the MOA Arena watching. But we had a country behind us. We could feel how much the country wanted something positive, and I think we were all extremely proud to bring them something surprising,” pahayag ni Baldwin matapos ang laban.
Ako ay lubos na sumasang-ayon nang bitawan niya ang mga salitang, “It’s a great moment for Filipino basketball.”
Hindi naging madali para sa koponan ang manalo sa laban. Sa ilang bahagi ng laban ay marahil nawalan na ng pag-asa ang ilan sa mga tagahangang sumubaybay noong Miyerkoles. Tumaas ng hanggang 17 na puntos ang kalamangan ng Koreanong koponan. Sa kabila nito ay sinikap ng ating koponan na humabol at bumawi. Ang pagbawing ito ay tinuldukan ni Belangel nang maipasok nito ang three-point shot sa huling dalawang segundo ng laro.
Ang pagkapanalong ito ay nagbigay ng 4-0 record sa Gilas sa Group A, at siya ring nagbigay-daan patungo sa Asia Cup na gagawin sa bansang Indonesia sa huling bahagi ng taon. Ito rin ang sumunod na pagkakataon na tinalo ng Filipinas ang Koreanong koponan mula noong taong 2013 FIBA Asia Championship na ginanap sa Maynila, kung saan tinalo ng koponan ng Filipinas ang koponan ng South Korea para makapasok sa 2014 FIBA World Cup.
Ang malaking panalong ito ng ating bansa ay tiyak na magdudulot ng matinding kasiyahan sa industriya ng isports.
Isang bagay pa na dapat nating ipagdiwang ay ang balita ukol sa tagumpay ng Filipino-American na manlalarong si Jordan Clarkson. Ilang linggo pa lamang ang nakaraan nang talunin ni Clarkson si Joe Ingles at ang guard ng Knicks na si Derrick Rose nang tanghalin siyang Sixth Man of the Year ng NBA.
Maituturing ito bilang napakalaking tagumpay para kay Clarkson. Nanguna si Clarkson sa scoring ng mga NBA reserve sa kakayahan nitong makapagtala ng 18.3 points kada laro kahit na hindi ito kasama sa unang limang manlalaro ng Utah Jazz. Bukod pa sa kanyang 18.3 points na average kada laro, karaniwan din siyang nakapagtatala ng apat na rebound at 2.4 na assist. Matapos ng panahon ni San Antonio Spurs’ Manu Ginobili noong 2007-08, si Clarkson na ang sumunod sa yapak nito na nakapagtala ng mas mataas sa average na 18 points kada laro bilang reserbang manlalaro ng koponan.
Sa pagsisimula pa lamang ng taon ay sinabi na ni Clarkson na layunin niya na maitanghal bilang Sixth Man of the Year ng NBA. Si Clarkson ay tunay na palaban at hindi sumusuko – mga katangiang likas sa ating mga Filipino.
“Definitely it was one of my goals going into this year, to go get that and play that role,” pahayag niya noong unang bahagi ng taon.
Napakapagtala si Clarkson ng 203 na three-point field goal bilang reserbang manlalaro. Ito ang ika-apat na pinakamataas na bilang ng three-point field goal na ginawa ng reserbang manlalaro sa kasaysayan ng NBA. Ang kanyang naitalang three-point field goal kada laro ang ikatlo sa pinakamataas na naitalang average ng mga reserbang manlalaro ng NBA.
Bilang kilalang pangalan sa larangan ng international basketball at bilang isang indibidwal na may lahing Filipino, tiyak na mag-sisilbing mabuting ehemplo si Clarkson para sa mga batang atleta na nagsisimula pa lamang sa kanilang karera sa larangan ng basketball. Tunay na maganda at maliwanag ang hinaharap ng industriya ng basketball sa bansa.
Isa pang manlalaro na dapat subaybayan ay si Kai Sotto na nagpamalas din ng kanyang husay noong Miyerkoles. Si Sotto ay nakapagtala ng 11 na puntos, 7 na rebound, 2 na assist, isang steal, at isang block bilang reserbang manlalaro. Isa pang matunog na pangalan ay si Carl Tamayo na ikalimang manlalaro na nakapagtala ng double digit na iskor nang makapagtala ito ng 10 puntos sa loob lamang ng 10 minuto.
Nawa’y magtuloy-tuloy ang koponan ng Filipina sa pagkamit ng mga panalo at patuloy na mamayagpag sa torneyo. Laban, Filipinas!
601117 932440I like the useful information you give in your articles. Ill bookmark your weblog and check once more here regularly. Im quite certain I will learn lots of new stuff correct here! Very best of luck for the next! 889644
474346 117549I admire your piece of work, regards for all of the intriguing posts . 330168
609096 597556Some truly interesting info , well written and broadly speaking user pleasant. 95329
193357 783141Im so happy to read this. This is the kind of manual that needs to be given and not the accidental misinformation thats at the other blogs. Appreciate your sharing this best doc. 361565
107869 964704baby strollers with high traction rollers should be a lot safer to use compared to those with plastic wheels- 551647