BASKETBALL, TRIATHLON TAMPOK SA PSA FORUM

PSA

PAG-UUSAPAN ang inaasam na panibagong Philippine sweep sa basketball at triathlon events sa Southeast Asian Games sa virtual Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum ngayong Martes.

Tatalakayin ni Gilas Pilipinas team manager at Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) deputy executive director Butch Antonio, kasama sina defending men’s individual gold medalist John Chicano at coach Melvin Fausto ng triathlon ang kani-kanilang kampanya sa May 12-23 SEA Games sa Hanoi, Vietnam.

Sa 2019 edition ng biennial meet na hinost ng bansa ay nakumpleto ng Pilipinas ang sweep sa lahat ng events na nakataya sa basketball at triathlon.

Ang weekly session ay magsisimula sa alas-10 ng umaga at itinataguyod ng San Miguel Corporation (SMC), MILO, Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee, Unilever, Amelie Hotel Manila, at ng Philippine Amusements and Gaming Corporation (PAGCOR).

Ang Forum ay ila-livestream via PSA Facebook page fb.com/PhilippineSportswritersAssociation at mapakikinggan sa delayed basis sa parehong araw sa alas-3 hanggang alas-5 ng hapon sa Radyo Pilipinas 2, na isini-share din ang livestreaming sa Facebook page nito.