BASTET, REYNA NG MGA PUSA

Si Bastet ang goddess of protection, pleasure, at taga­pagdala ng magandang kalusugan. Pusa ang kanyang ulo, ngunit babaeng sexy ang katawan.

Si Bastet ay anak ni Ra, kapatid ni Sekhmet, asawa ni Ptah, at ina ni Mihos.

Kinikilala siyang diyo­sa ng tahanan sa Ehipto. Diyosa rin siya ng domesticity, mga lihim ng kababaihan, mga pusa, fertility, at panganganak. Pinuprotektahan niya ang tahanan sa mga masasamang espiritu at mga sakit na may kinalaman sa kababaihan at mga bata.

May kinalaman si Bastet sa makapangyarihan ngunit mapagpalang init ng araw, at si Sekhmet naman ay may kinalaman sa matinding sikat ng araw at destructive power. Ang negatibong aspeto ni Sekhmet ay complimentary naman sa positi­bong aspeto ni Bastet bilang diyosa Nephthys na kapatid naman ni Isis.

Sa ibang kwento, sinasabing sila ay magsing-irog, ngunit may kwento ring si Bastet ay ina ni Anubis. Makikita ang mga imahe nina Anubis at Bastet sa mga artistic pieces at ancient relics, kaya kilalang kilala sila ng lahat bilang simbulo ng kultura ng Ehipto sa makabagong panahon. Itinuturing na sagradong pusa ang mga Abyssinian dahil pinaniniwalaang isa sa kanila ay si Goddess Bastet sa anyong pusa.

Pinaniniwalaan ding ang mga pusa, Abyssinian man o hindi, at nagbibigay sila ng swerte sa mga taong nangangalaga sa kanila.

Matagal nang kinikilala si Bastet na Reyna ng mga Pusa, sa religion man o sa Egyptian history. Minsan din, sinasabing may double nature si Bastet na nagkakatawang babaing leon. Madalas ding ipakita ang pakiki­paglaban o pakikipag-away niya kay Sekhmet.

Isa raw siyang virgin goddess ngunit siya ang ina ni Mihos. Napakaraming sumasamba sa kanyang templo lalo na kung araw ng kanyang kapistahan.

Kinikilala naman siya ng mga Greeks na kasing husay ni Artemis, ang divine huntress. Sadyang napakamakapangyarihan ni Bastet.

Syempre, si Bastet ay may typical godly superhuman strength, durability, longevity, etc.

Isa pang katauhan niya ay black panther o humanoid panther, na may lakas na hindi ka­yang pantyan.

Araw ang pinagmumulan ng kanyang kapangyarihan at isa siya sa pinakamakapangyarihang diyosa sa Ennead, ngunit sa pagsapit ng gabi, hindi man tuluyang maglaho ay humihina ito.

Kaye VN Martin