WALANG puwang ang mga bastos na empleyado sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ito ang deretsahang inihayag ni DSWD Secretary Erwin Tulfo kasabay ng pagsibak sa dalawang empleyado ng kagawaran na nakatalaga sa Ninoy Aquino International Airport at satellite office sa Tagbilaran, Bohol.
Sinibak ang dalawang empleyado na hindi pa pinangalanan dahil sa pagtangging tumulong sa mag-ina kaugnay sa travel guidelines at sa pambabastos naman sa isang nanay na nagpapatulong sa requirements para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Lima ring telephone operators ng DSWD ang pinagsabihan dahil sa hindi magandang ang pagbibigay ng serbisyo sa publiko.
Ipinaalalahanan ni Tulfo ang mga empleyado ng kagawaran na tigilan na ang hindi magandang pagtrato sa mga tanong humihingi ng tulong. BETH C